US at Iran, umatras sa peace talks, krisis sa ekonomiya mas lalala!
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | April 27, 2026

Pinagbabaril si US President Donald Trump sa Washington.
Ligtas siya at naaresto ang suspek.
------$$$---
Nakalusot ang suspek sa napakahigpit na security cordon kay Trump.
Buwenas talaga siya.
-----$$$---
Umatras sa peace talk pareho ang US at Iran.
Ibig sabihin, mahaba pa ang kalbaryo sa krisis sa ekonomiya.
Hindi kaya ng gobyerno na saklolohan ang mga tao.
-----$$$--
Sa totoo lang, mas kailangan ng gobyerno ang saklolo ng kanyang mga mamamayan.
Dapat itong maunawaan ng bawat isa.
----$$$--
Nagtagumpay ang US na makapagbiyahe sa Moon.
Sa 2030, magsisimula nang magtayo ng kuta ang mga tao sa ibabaw ng buwan.
-----$$$--
Tulad sa Middle East noong dekada 70’s, magkakaroon din ng construction boom sa Moon.
Tiyak na maire-recruit d’yan ang milyong milyong OFWs.
----$$$--
Itatayo daw sa Pilipinas ang 4,000 acre ng Pax Silica.
Iyan ang propaganda ng mga kano.
-----$$$--
Napatay ang 19 katao sa Negros na inilalarawan na mga CPP-NPA.
Mayroon na namang kano na kasama sa napatay.
Bakit?
-----$$$--
Naka-frozen ang ilang ari-arian ni ex-Speaker Martin Romualdez.
Nagkawatak-watak na nang todo ang mga dating maka-Marcos!
----$$$--
May mga nagtatanong: Sino nga kaya ang utak ng katiwalian?
Hindi ‘yan nalalayo sa tanong na: Sino ang drug lord? Sino ang gambling lord? Sino ang smuggling lord?
Kapag sinabing “lord”—walang physical evidence ‘yan.
Kasingkahulugan ng “lord” ay hindi nakikita–pero pinakamakapangyarihan sa lahat!
Omnipotent, omniscience at omnipresent!
----$$$--
Tulad ng illegal drugs at illegal gambling, ang katiwalian ay isang iskema o modus operandi.
Hindi po ‘yan tao–iyan ay isang sitwasyon.
Kahit bitayin mo ang mga ituturong “lord” front lamang iyan—at mananatili ang “krimen.”
-----$$$--
Ang krimen ay may perpetrator, at may biktima, at may iskema.
Kailangan bantayan ang biktima, suspek at iskema nang walang katapusan–halos habambuhay.
Hindi ito nalalayo sa “tunggalian ng mga anghel at ni Satanas”—pareho silang immortal at walang kamatayan!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments