top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

₱111.98B unprogrammed funds ng Palasyo, dapat tablahin ng Senado!

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 11, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGTABLA NG EUROPEAN COUNTRIES SA HILING NI TRUMP NA KUMALAS SA ICC BAD NEWS ITO SA PAMILYA DUTERTE AT MGA DDS — Tinabla ng mga bansa sa Europe ang panawagan ni United States (US) President Donald Trump na kumalas sa pagiging miyembro ng International Criminal Court (ICC).


Bad news ‘yan sa pamilya Duterte at sa mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kasi indikasyon ito na magtatagal pa sa ICC jail si Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


Kung sumang-ayon kasi ang mga European countries, mabubuwag ang ICC at ang lahat ng nakakulong sa ICC jail ay pakakawalan na, kabilang si FPRRD, tsk!


XXX


KAKATAYIN KAYA NG SENADO ANG MGA 'PORK BARREL' INSERTIONS SA 2027 NATIONAL BUDGET? — Inanunsyo ni Senate President Sherwin Gatchalian na uumpisahan na ng Senado sa Oct. 14, 2026 ang budget deliberation para sa year 2027.


Ang tanong: Kakatayin kaya ng Senado ang mga "pork barrel" insertions ng mga kongresista o makikipagkutsabahan din sila, na ang ibig sabihin ay magsisingit din kaya sila ng "pork" sa 2027 national budget? Abangan!


XXX


P111.984B NA 'UNPROGRAMMED FUNDS' NG MALACAÑANG DAPAT TABLAHIN NG SENADO — Ngayon, nasa Senado na ang "bola" sa paghimay sa 2027 national budget, ang dapat gawin ng mga senador ay tablahin ang P111.984 billion unprogrammed funds ng Malacañang.


Sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap sa mamamayan na may P111.984 billion unprogrammed funds ang Malacañang na hindi malalaman ng taumbayan kung saan ito gagastusin, period!


XXX


PAGTALAGA NI PBBM KAY PALPAL-LATOC SA CHR, PALPAK — Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft si Commission on Human Rights (CHR) Chairman Richard Palpal-latoc at tatlo pang opisyal ng CHR matapos mabisto ng NBI na naglabas pa sila ng pondo sa CHR sa pagdalo nila sa 54th International Institute Of Human Rights Summer sa France noong year 2025 gayong sinagot naman ng Friedrich Naumann Foundation for Freedom ang lahat nang gastusin nila sa pulong na ito.


Dahil diyan ay lumalabas ngayon na palpak pala ang pagtalaga ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) kay Palpal-latoc sa CHR, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page