top of page

Umiiyak na ang taumbayan sa presyo ng langis, gobyerno, tulog pa rin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | March 25, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Umiiyak na ang lahat sa taas ng presyo ng petrolyo.

Pero, wala pa raw krisis.


-----$$$--

Ayon kay US President Donald Trump, positibo raw ang inisyal na negosasyon sa Iran.

Huh? Akala ko ba ay namatay na ang mga lider ng Iran at nawasak na ang mga imprastruktura?

Sino nang kausap ng mga US negotiator sa isang bansang “natunaw” na?

Multo!


----$$$--

Ganyan din sa Pilipinas.

Magbubuo daw ng crisis committee.

Eh, akala ko ba ay walang krisis?


-----$$$--

Ang pagtanggap sa katotohanan ang magpapalaya sa iyo.

Isang sitas ito sa Bibliya, pero angkop ito upang maresolba ang problema.


------$$$--

Kapag itinatwa mo na walang problema, paano mo ito mareresolba?

Ang unang hakbang ay hindi ang pagtukoy ng solusyon.

Ang unang hakbang ay ang “pag-amin at pagtanggap” na may krisis.


-----$$$--

AYON kay Sun Tzu, kilalanin mo dapat ang “kalaban”.

Kapag hindi mo kilala ang kalaban, paano mo ito matatalo?


-----$$$--

ANG susi sa digmaan—ay ang “intel”, “surveillance”, spies o mga “deep penetration agent.”

Iyan ang tunay na susi—at hindi ang malalakas na armas!


------$$$--

KAILANGANG masuring mabuti ang problema at mula sa datos na matutungkab—doon lilitaw ang solusyon.

Mahalaga ang “laboratory test result” upang mai-diagnose nang tumpak ng isang doctor—ang sakit.


-----$$$--

PINAKAMAHALAGA, dapat ay masinop, may tiyaga, may karanasan at may talino—ang mga decision maker.

Mahalaga din na payapa ang isip ng isang “battalion commander” upang matalo ang mga kalaban.


------$$$--

SA panahon ng kudeta kontra kay Tita Cory, may nagsasabing muntik nang makubkob ng mga rebel soldier ang Camp Aguinaldo makaraan ang ilang araw na maniobra.

Imbes na magpuyat sa “command post” ang isang battalion commander, pinayuhan ito ng kanyang mga “aide-de-camp” na mamahinga at matulog muna, kahit sa kainitan ng bakbakan.


-----$$$--

MAKARAANG mamahinga at matulog nang maayos, matapos bumangon at magising ang “commander,” pinag-aaralan niyang mabuti ang sitwasyon.

Sa isang tumpak na desisyon at taktika, nasagip nito ang “gobyerno ni Tita Cory” sa kamay ng mga rebelde—at naproteksiyunan ang Camp Aguinaldo.


----$$$---

HINDI natin alam kung totoo ang kuwentong iyan o hindi.

Pero, ang mahalaga ay ang “pulot na aral”—tumpak na desisyon—ang solusyon sa anumang krisis.


----$$$--

MAGMUMULA lamang ang “perfect approach”  mula sa isang “payapang isip”.

Sa gitna ng krisis, maging kalmante.

Ika nga, “Don't panic!”



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page