Walang resibo, ayaw paniwalaan… PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 25, 2026

Photo: FB Christian Albert Gaza & _aldenrichards02
Dahil sa pasabog ng social media personality na si Xian Gaza, binulabog niya ang libu-libong diehard fans ng Pambansang Bae na si Alden Richards. At tiyak na kukuyugin siya ng mga fans saanman magpunta.
Matindi ang mga akusasyon nito tungkol sa hiram na condo at luxury watches ni Alden. Nakakasira ito sa imahe ng aktor, kaya may ilang grupo ng mga fans ang nagpapayo sa kanya na kasuhan at idemanda na niya si Xian Gaza.
May ilan namang nagsasabi na hindi naman lahat ay naniniwala sa exposé
nito. Kailangan niya ng resibo na magpapatunay na totoo ang kanyang akusasyon kay Alden.
At bakit ayaw lumantad ng taong sinasabi ni Xian na hiniraman ng condo at mga mamahaling relo, kung totoo man ito?
Milyones ang kinikita ng aktor sa bawat endorsement niya. Can afford niyang bumili ng condo at luxury watches. Marami ring negosyo si Alden at wala siyang bisyo, financially secured na siya.
Well, mabuti na lang, tulad ni Kris Aquino na hindi na sinagot at pinatulan ang nanghamak sa kanyang anak na si Josh, ganito rin ang naging attitude ni Alden. Alam niya na mas marami pa rin ang naniniwala sa kanyang kredibilidad. Ang mga taong natulungan niya ang magtatanggol sa kanya.
Sabi nga, “You cannot put a good man down.” Hindi magtatagumpay ang sinumang gustong ibagsak ang isang Alden Richards.
Sharon, gustong makasama, wala pang sagot…
POPS, IPINAGPRODYUS NG CONCERT ANG SARILI
PUSPUSAN na ang paghahanda ni Pops Fernandez para sa kanyang concert na pinamagatang POPS, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa November 26, 2026.
Kabilang sa kanyang mga special guests sina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Vina Morales at Martin Nievera.
Pangarap din ng Concert Queen na makasama o makipag-collab kay Megastar Sharon Cuneta. Nagpaabot na ng mensahe si Pops kay Shawie para sa kanyang paanyaya na magkasama sila sa kanyang concert. Ganunpaman, wala pang kasagutan si Mega kung mapagbibigyan ang kahilingan ni Pipay.
Well, hindi man madalas mag-concert si Pops dahil maraming preparasyon na dapat gawin, gusto pa rin niyang maging bahagi ng concert scene. Gusto niyang makabawi sa panahong namahinga siya sa pagko-concert dahil nawalan siya noon ng boses. Pero wala pa naman siyang planong magretiro sa pagkanta.
Ang pagpe-perform onstage ay bahagi na ng kanyang career at hindi niya ito basta maiiwan. Si Pops mismo ang producer ng kanyang concert sa Newport Performing Arts Theater sa November 26, in cooperation with Echo Jam Productions.
Maraming natutunan si Pops sa kanyang ina na si Dulce Lukban sa larangan ng pagpo-produce ng concert.
NAGING masaya ang ginanap na 54th founding anniversary ng Public Attorneys Office (PAO), kung saan nakasama ni Atty. Persida Acosta ang ilang media friends.
Isinabay na rin sa selebrasyon ang kanyang book launching ng librong Laws of Life. Nagkaroon din ng free medical checkup at libreng gamot para sa mga dumalong media people.
Once a year lang nagaganap ang bonding o get-together ni Atty. Persida sa kanyang media friends, at bale early Christmas party na rin.
At tulad ng dati, hindi rin nawawala ang mini-concert ni Atty. Persida na lalong nagpasaya sa lahat. Maging ang mga PAO employees ay magagaling ding kumanta.
Through the years, nagbibigay ng free legal assistance ang PAO sa mga mahihirap. Personal na tinututukan at tinutulungan ni Atty. Persida ang lahat ng lumalapit, at pangako niyang patuloy siyang magsisilbi sa PAO at tatapusin ang kanyang termino.
TUMITINDI ang mga kaganapan sa action series na Taskforce Firewall (TF) na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix, kasama sina Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar, atbp..
Unti-unti nang nalalantad ang mga ginagawang pagtataksil ni Martin (Luis Hontiveros) na asawa ni Isa (Kylie). Inaabangan na rin ang pagpasok ng characters nina Mike Tan, Joem Bascon, Matt Evans at Zeppi Borromeo.
Mahaba-haba pa rin ang role ni Rhian Ramos sa TF, samantalang ang character ni Rodjun Cruz ay pinatay na sa istorya.
Mistula ngang pelikula ang TF, kaya gabi-gabi itong pinanonood ng mga viewers. Napapanahon ang mga ine-expose nilang scams na laganap ngayon.





Comments