top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Umamin kay Enchong… ERICH, MAY IPAPANGALAN NA SA MAGIGING ANAK

BULGAR
Mar 29, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 29, 2021




Sa EnRich Originals YouTube channel nina Enchong Dee at Erich Gonzales ay Questions We’ve Never Asked Each Other ang topic.


Tinanong ng aktor ang aktres, "Ilang kids ang wish mo kapag nag-start ka ng family?"


“Kasi tatlo kami, 'di ba, kuya, ate at ako ‘yung bunso. Feel ko siguro, dalawa lang kasi mahirap ang buhay. Ayaw ko naman ng isa lang siya kasi sad naman ‘yun. Pero siyempre, kung ano ang ibigay ni God. Pero siguro, max na ang 4,” say ni Erich.


At automatic na ninong ang aktor sa mga magiging anak ng aktres.

“Automatic ‘yan, Chong. Someone like you na anything happens, nandiyan ka para magmahal,” katwiran ni Erich.


"Would you settle in the province or here sa Manila?" tanong ni Enchong.


“It doesn’t really matter kung saan ako magse-settle as long as kasama ko ‘yung tamang tao. Siyempre, dapat pareho kami kung saan niya gusto, hindi lang naman ako ‘yun (pipili). Pero kung tatanungin mo naman ako, mas gusto ko, probinsiya. Pero siguro, pareho, may bahay kayo sa city at sa probinsiya para mag-relax,” paliwanag ng dalaga.


Ang mga pangalang type ng dalaga para sa magiging mga anak ay, “Samantha, Georgia, Alexa, Alexis, mga ganyan, puwede ring panlalaki.”


Tanong uli ni Enchong, "Ayaw mo ba ng mga weird tulad ng Sampaguita, Kalachuchi?”

“Puwede! Maganda, ah. Kalaluchi Rosas o Rosa Kalaluchi,” sabi ng aktres.

“Rosas Kalaluchi Gonzales, sure ka?" tanong nito sa kaibigan.


Truth, Crispy, or Universe naman ang gustong ipangalan ng aktor sa mga magiging anak niya.

"Dahil kunwari, teacher siya o kaya nagwo-work na siya, tatawagin siyang Miss Universe,” sey ni Enchong.


Handang isakripisyo ni Erich ang buhay niya para sa anak base sa tanong na “Would you allow your kid to survive, or will you save yourself.”


“Ako, definitely, save the baby kasi 'di ba? Ang purpose ko sa buhay is to become a mom pero siyempre, kung mangyari man ‘yan, parang I have so much love to give. Save the baby talaga, wala nang patumpik-tumpik,” sabi ng aktres.


“Paano kung puwede ka namang mag-anak uli?” tanong ng aktor.


“No, save the baby talaga, sasabihin ko ‘yan sa doktor. Ang sad naman ng tanong mo pero huwag naman po sana, Lord,” sabi ulit ni Erich.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page