top of page
Search
  • BULGAR

Ukraine President, naalarma sa pagtanim ng bomba ng Russia

ni Mabel Vieron @World News | July 8, 2023




Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mayroong itinanim na bomba ang Russia sa kanilang Zaporizhzhia nuclear power plant.


Sa inilabas na video message ni Ukrainian president, hindi lamang ginagawang panangga ng Russia ang pinakamalaking nuclear plant sa Europa, sa halip ay ginagawa pa nila itong bilang armas.


Mula noong lusubin ng Russia ang Ukraine ay nakontrol na nila ang nasabing planta.


Iginiit naman ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na wala silang nakitang anumang bomba na nakatanim nang kanila itong binisita.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page