top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

GOV. VILMA, INILAGLAG SA NATIONAL ARTIST DAHIL SA PULITIKA

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
4 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 23, 2026



SPECIAL - GOV. VILMA, INILAGLAG SA NATIONAL ARTIST DAHIL SA PULITIKA_IG _rosavilmasantosrecto

Photo: IG _rosavilmasantosrecto



Ang pagiging gobernador ngayon ng Batangas ang isa sa mga itinuturong dahilan kaya nalaglag daw si Governor Vilma Santos-Recto at hindi napiling National Artist sa kabila ng paniniwala ng marami na karapat-dapat na siyang mabigyan ng naturang parangal dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino at telebisyon.


Ito ang direktang itinanong sa Star for All Seasons ng aming kaibigan-publicist ni Gov. Vi na si Ambet Nabus sa ginanap na special screening-talkback ng digitally restored film na Sister Stella L. last Sunday sa Metropolitan Theater sa Maynila.





Diretso rin naman itong sinagot ng aktres-pulitiko, “Alam n’yo kasi, may mga criteria ‘yan. But at the end of the day, we should respect the process. 


“Pero ngayon, kung ako ay nagsisilbi at pinagkatiwalaan ng mga Batangueño, sa klase ng buhay na meron tayo, the challenges that we have around us now, palagay ko po, hindi ko po muna ipagpapalit ang puwede kong maitulong sa totoong buhay na ng pangangailangan ng ating mga kababayan.”


Patuloy pa ni Ate Vi, “So, at this point in time, I still have 2 years and 8 months to go, kung ito naman ay magiging sagabal sa pagiging National Artist ay hayaan n’yo po munang magsilbi ako sa totoong buhay dahil ako po ay pinagkatiwalaan ng mga Batangueño. Ibabalik ko po ‘yun sa kanila.” 


Tamah! At tulad nga ng una nang nasabi ng gobernadora, with or without the National Artist award, tuloy lang ang buhay.


Anyway, sa ginanap na talkback, nabanggit ni Ate Vi na hindi pala kumita sa first day ang Sister Stella L. dahil may nag-bomb threat daw that time kaya natakot ang mga taong manood sa mga sinehan.


Pero ngayon ay vindicated si Ate Vi nang mapanood uli ang pelikula niyang Sister Stella L. at umani ng maraming papuri hindi lang mula sa mga Vilmanians kundi maging sa bagong henerasyon na mulat na mulat sa sitwasyon ng lipunan at pulitika at naka-relate sa kuwento ng pelikulang ipinalabas nu’ng 1984, pero ang tema ay very relevant pa rin hanggang ngayon.


Samantala, bukod kay Gov. Vilma, dumating din sa screening-talkback ang iba pa niyang nakasama sa Sister Stella L. tulad nina Direk Gina Alajar, Direk Laurice Guillen, Pen Medina, Mae Paner a.k.a. Juana Change at Racquel Villavicencio.







KASABAY ng 72nd birthday (Sept. 11 ang actual birthdate niya) celebration ng award-winning fashion designer-fashion model at naturopathic doctor na si Ms. Joyce Peñas-Pilarsky sa Teatrino, Greenhills last Friday night ang launching ng kanyang new inspirational song titled Walang Imposible, composed by Mr. Vehnee Saturno.


Saktung-sakto ang tema, lyrics at title ng song sa nangyari sa buhay ni Ms. Joyce kung saan at the age of 69 ay naging candidate pa nga siya sa Miss Universe Phils.-Quezon City preliminary pageant nu’ng 2024.


Hindi rin daw makapaniwala ang fashion designer na sa ganu’ng edad niya ay saka pa siya makakasali sa isang beauty pageant. Pero dahil ‘WALANG

IMPOSIBLE’, may rason daw kaya binigyan siya ng ganu’ng opportunity ni Lord.


In fairness kay Ms. Joyce, hindi mo iisiping 72 yrs. old na siya dahil ang skin niya, parang pang-40s lang. At pati ang kanyang body figure, vavavoom pa rin!

Kaya nga tinanong namin si Ms. Joyce kung sa edad ba niya ngayong 72 ay willing pa rin ba siyang sumali uli sa beauty pageant kung may offer.


Aniya, as long as qualified pa naman daw siya, why not? Sabi nga sa kanta niya, WALANG IMPOSIBLE!


Anyway, tuwang-tuwa raw si Ms. Joyce nang marinig na ipine-play na sa FM radio stations ang Walang Imposible dahil gusto niyang mas marami pang ma-inspire ng naturang kanta niya, lalo na ngayon na maraming nade-depressed at madaling sumuko sa mga hamon ng buhay.


Samantala, super happy naman si Ms. Joyce Peñas Pilarsky na present ang mga friends niya sa celebration ng kanyang 72nd birthday. Dumating ang BFF niyang si Ms. Cecille Bravo ng Intele Builders, Ms. Evangeline Pascual, Darius Razon, John Nite, Vehnee Saturno at Ladine Roxas at marami pang iba.





‘Di man lang na-shy, ha?

MAHINHIN KUNONG AKTRES, NILANDI ANG GUWAPONG AKTOR NA CO-STAR SA SERYE, SINUGOD NG MISIS 





BLIND ITEM: 

MAHINHIN at shy type ang image ng aktres na nakasama sa isang malaking serye na pinagbidahan ng sikat na aktor. Although, sa naturang serye ay astig ang role niya.


Marami ang nagtataka, maganda naman ang aktres pero bakit matagal na itong single at walang nababalitang boyfriend?


Chika ng reliable source na nakasama ng aktres sa serye, “‘Teh, mukha lang siyang mahinhin pero mahihindu*in siya.”


Pasimple pala kasing nilandi ng aktres ang guwapong pamilyadong aktor na nakasama niya sa serye, kaya ayun, sinugod daw siya sa taping ng misis ng aktor.


At bukod sa naturang guwapong aktor, pati pala ang bidang sikat na aktor ay nilandi rin ng mahinhin kunong aktres, pero dahil palaban ang dyowa nitong aktres din, hindi umubra ang mahinhin kunong aktres.


Luh! Grabe ang aktres na ito, hindi man lang siya na-shy sa ginawa niya, ha?

1 Comment


Ricardo
3 hours ago

Ricardo consultó información sobre film app gratis y encontró detalles interesantes sobre sus funciones. La guía explica diferentes dispositivos compatibles y varias herramientas disponibles para explorar contenido.

Edited
Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page