top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tunay na may-ari ng mga kalapating lumipat ng pugad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 01, 2021



Dear Chief Acosta,


Ginawan ko ng pugad ang aking mga kalapati kung saan malaya silang nakalalabas para lumipad. Ilan sa aking mga kalapati ay hindi na bumalik sa kanilang pugad.


Nalaman ko sa aking kapitbahay na ang mga kalapati na hindi bumalik ay lumipat sa kanyang pugad ng kalapati kaya sinabi niyang pagmamay-ari na niya ang mga ito.


Sino ang tunay na may-ari ng aking mga kalapati na lumipat ng pugad? – Joel


Dear Joel,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 717 ng New Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“Article 717. Pigeons and fish which from their respective breeding places pass to another pertaining to a different owner shall belong to the latter, provided they have not been enticed by some artifice or fraud.”


(Binigyang-diin)


Malinaw na sinasabi sa nabanggit na batas na ang inyong kapitbahay ang tunay na may-ari ng inyong dating mga kalapati kung lumipat ito sa kanyang pugad ng kalapati nang hindi niya ginagamitan ng anumang eskema o pandaraya.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page