ni Nitz Miralles @Bida | February 2, 2024
Naka-off na ang comment box ng Instagram ni Dennis Padilla kung saan may post siyang matagal na raw niyang hindi nakakausap ang anak na si Julia Barretto.
Sabi ni Dennis, “Dearest Juy... Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita....
Always praying for more blessings... Good luck sa new movie mo...”
In-off ni Dennis ang comment box dahil may mga negative comments para sa kanya.
Wrong timing daw ang pagpo-post niya ng ganito dahil nagpo-promote sina Julia at Aga Muhlach ng movie nilang Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko. Sa halip daw na ‘yung movie ang pag-usapan, itong post ni Dennis ang mapag-uusapan.
May mga naninisi pa kay Dennis na kapag hindi raw naging maganda ang box-office gross ng movie nina Aga at Julia, kasalanan niya.
Ayun, para hindi na madagdagan ang hate comments, in-off ni Dennis ang comment box na wise decision dahil biglang tumahimik.
In fairness, nagpo-promote rin naman si Dennis dahil sa February 4, 7:15 PM na ang premiere ng action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na kasama siya sa cast.
For sure, hindi sisisihin ni Sen. Bong Revilla kapag hindi maganda ang ratings nito na hindi mangyayari dahil inaabangan ang Season 2 ng action-comedy series.
Comments