top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Misis, palaban… MGA NAGPAPANTASYA KAY DINGDONG, ‘DI UUBRA KAY MARIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 29, 2026



TEKA NGA - MGA NAGPAPANTASYA KAY DINGDONG, ‘DI UUBRA KAY MARIAN_IG _dongdantes

Photo: File / IG _dongdantes



Dahil palaban si Marian Rivera, bawal pagpantasyahan ng kanyang mga co-stars si Dingdong Dantes.


Nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice (GGV), nilinaw ng Primetime Queen ang matagal nang kumakalat na ‘padlock issue’. Diumano, ginawa niya ito sa isang female star na nagpantasya sa kanyang mister.


Sey ng aktres, walang ganoong eksenang nangyari. Hindi niya ini-lock sa CR ang sinumang nauugnay kay Dong. 


Gayunman, maaaring nagkaroon ng komprontasyon, pero nagkaayos na sila ng nasabing aktres. In fact, nag-guest pa raw ito sa isa niyang show noon.


Sa panahon ng pagsasama nila ng aktor bilang mag-asawa, natutunan ni Marian na tanggapin ang mga challenges na dumarating, kaya mas tumitibay ang kanilang pagsasama through the years.


Naging mabuting padre de familia naman si Dong at hindi siya binibigyan ng dahilan upang magselos. 


Gayunpaman, takot nang magparamdam ang sinumang babae kay Dingdong dahil alam nilang hindi sila uubra sa tapang ni Marian. Off-limits ang mga girls sa kanyang poging mister.


Well, sa pelikula na lang siya hahangaan ng mga kababaihan. Dapat nilang panoorin ang Remember dahil mas mamahalin nila ang character ni Dingdong sa nasabing pelikula.





AYAW pang magretiro nina Janice de Belen, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan at Gelli de Belen. Hindi raw ito ma-imagine ng magkakaibigan na darating ang panahon na iiwan na nila ang showbiz.


Sey nga ni Janice, hangga’t may producer na kumukuha sa kanya at kaya pa niyang pumunta sa shooting o taping, hindi siya titigil sa pag-aartista.


Kung sakaling magdesisyon siyang magpahinga, food business ang kanyang pagkakaabalahan.


Si Candy Pangilinan naman, pangarap na magtayo ng pandesalan kapag tumigil na sa pag-aartista.


Pero malayung-malayo pa ang pagreretiro sa showbiz nina Janice, Carmina, Candy at Gelli dahil marami pang oportunidad ang naghihintay sa kanila.


Sa totoo lang, marami pang senior stars ang patuloy na lumalabas sa pelikula at telebisyon, tulad nina Odette Khan, Nova Villa, Perla Bautista, Gina Pareño, atbp.. Patunay ito na ang pag-aartista ay isang propesyon na mahirap iwanan.





ISANG espesyal na birthday episode ang inihanda ng staff ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) para sa kaarawan ng King of Talk.


Special guests sa show sina Ruffa Gutierrez, Andrea Brillantes, Alice Dixson, Bimby Aquino at ang BFF niyang si Kris Aquino.


Two parts ang one-on-one interview ni Boy kay Krissy na napanood na kahapon.

Tiyak na hindi palalampasin ng mga fans ng Queen of All Media ang guesting nito sa FTWBA.


Magdiriwang ng kanyang 71st birthday ang King of Talk sa Oktubre 29.

1 Comment


sean
17 hours ago

Geometry Dash is a rhythm-based platformer where one mistimed jump can send you back to the start! The catchy soundtrack, tricky obstacles, and satisfying level clears make every attempt exciting. Give it a try!

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page