top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Pramis, ‘di raw siya magnanakaw… KRIS, TARGET MAGING HEAD NG DEPARTMENT OF HEALTH

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 29, 2026



WINNER - KRIS, TARGET MAGING HEAD NG DEPARTMENT OF HEALTH_YT FTWBA

Photo: FTWBA / YT



As expected, explosives ang mga itsinika ni Kris Aquino kay Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


Diretsahang sinagot ng Queen of All Media ang mga tanong ni Kuya Boy tungkol sa pulitika, career, kanyang mga anak at pag-ibig.


Unahin natin ang usapin sa pulitika. Tinanong ni Kuya Boy si Kris kung sakaling mabuti ang kanyang kalusugan ngayon, papasukin ba niya ito.

“Yes,” mabilis na tugon ni Kris. 


Aniya, “But I’m not healthy. My Dad had always parang uh, akala ng Dad ko, ‘yun ang para sa ‘kin. But uhm, we need a miracle. So, ‘di ibibigay lahat.”


Ang wish na lang ni Kris ay ma-appoint siya bilang head ng Department of Health (DOH) ng kung sinumang mananalo sa susunod na presidential elections.


“Kasi sa experience ko, Boy. And, alam nilang ‘di ako magnanakaw. ‘Yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na. And maybe, by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable,” paliwanag ni Kris.


Sey naman ni Kuya Boy na kung nag-yes daw siya noon na mapasama sa administrasyon ng yumaong kapatid ni Kris at presidente ng bansa na si Noynoy Aquino, pipiliin daw ng King of Talk na maging head ng Department of Tourism (DOT).


“In the future, if I were offered to serve the country, not in an elective post, but in an appointed post like the DOT... gagawin ko talaga, Krissy,” tahasang sabi ni Kuya Boy.

Sa huli, may suhestiyon pa si Kris sa pamahalaan.


“I feel kasi, Boy, talaga na dapat ang mga naa-appoint, ‘yung alam ng taong may naitabing pera na. Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon, but I would think we deserve honest public servants,” diin ni Kris.

On a lighter side, nagsalita rin si Kris kay Kuya Boy tungkol sa kanyang love life.

“Gusto ko talaga ng doctor,” wish ni Kris. 


Paliwanag niya, “Hopefully, somebody na ‘di magpi-freak out ‘pag tumigil ako ng paghinga. Nangyari na, eh. I stopped breathing for two minutes. Here, and just this year. But my heart, my heart was beating but my lungs stopped. So, I want someone na if that happens won’t panic.”


Sad to say, wala raw kumakatok sa puso ni Kristeta ngayon.

“Yeah,” pag-amin ni Kris. 


Aniya, “Siguro lahat ng doctor, after hearing my story, I’m sure sasabihin, ‘‘Wag na lang.’”

Lab… lab… lab.





HINDI pala kami namalik-mata nang napanood namin si Jhong Hilario na iniinterbyu ang dating kontrobersiyal na si Pura Luka Vega sa Miss Q & A portion ng It’s Showtime (IS).


Maaalalang nag-viral ang drag performance nito noong Hulyo, 2023 kung saan ang karakter niya ay si Hesukristo habang sumasayaw sa remix ng Ama Namin, ang sagradong panalangin ng mga Kristiyano. 


Isa si Pura Luka sa tatlong kandidata na naglaban-laban sa Miss Q & A. Hiling ng tatlong kandidata na maipatong ang korona sa kanilang ulo. Ang dalawa pang kandidata ay sina Leuki Inokuma Ganacias at Ivern Doroteo.


Kinaaliwan ang very youthful at very baby smile ni Leuki. Paggawa ng perfumes ang kanyang negosyo. Kaya ang IS family, napaisip ng mga pangalan ng pabango. 

Uy, si Ryan Bang, may entry. Tatawagin niya itong ‘Smell Laude!’


Si Ivern naman ay naging grand finalist na noong Season 3. Ngayon, siya’y nagbabalik para bumawi. But on the Miss Q & A stage, may other side pa si Luka na ipinakita. Nag-aaral siya tungkol sa kalusugan at may mensahe siyang iniwan sa madlang people.


Mabilis na umabante si Luka sa Wit Lang round, at sumunod naman si Leuki. Nabunot ni Luka ang tanong na, “Dapat ka bang tikitan ng Land Transportation Office (LTO) kung walang preno ang bibig mo?” at ang kay Leuki naman, “Sa sayawan, harsh ba ‘pag sinabihan mo si Pinocchio na matigas ang katawan n’ya?”

Hindi naging harsh ang tadhana kay Leuki dahil siya ang kinoronahan bilang Miss Q&A Reyna Talak-Era of the day.


Good vibes at pag-asa ang hatid ng It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page