top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Isang taon after maghiwalay… RUFFA, INAMIN NA ANG DAHILAN NG BREAKUP NILA NI HERBERT

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 29, 2026



TALKIES - RUFFA, INAMIN NA ANG DAHILAN NG BREAKUP NILA NI HERBERT_IG _iloveruffag

Photo: IG _iloveruffag



“I’m free as a bird. I’m single,” pahayag ng beauty queen-aktres na si Ruffa Gutierrez nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Sa panayam, napag-usapan ang lagay ng kanyang puso at ang dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor at dating QC mayor na si Herbert Bautista.


“Bakit ang tagal-tagal mo nang walang dyowa?” tanong ng King of Talk na si Boy Abunda.

“Wala,” simpleng sagot ni Ruffa.


“So, nasaan ang puso mo ngayon?” tanong pa ni Boy.

“I’m free as a bird. I’m single,” nakangiting sagot ng aktres.

“Are you dating?” tanong ni Boy.


“No. I’m not dating. Ang dami kong textmates. Ang daming nagpapakilig sa ‘kin. Yeah, I think that space kasi just became much bigger with Herbert. We are still friends. We communicate regularly. Kung may advice akong kailangan, kinakausap ko pa rin s’ya and minsan, tumatawag din s’ya sa ‘kin. But I have not seen him face to face since we broke up last year. 

“So, whatever it is, ang importante, magkaibigan kami. Hello, there! And we talk, pero in terms of having a relationship, I’m single right now,” kuwento ni Ruffa.


Sa panayam, nilinaw rin ni Ruffa ang dahilan ng breakup nila ni Herbert.

“May I push it a little bit? Why didn’t it work?” hirit ni Boy.


“It didn’t work because there were things beyond our control. I guess that made him go through a different phase and ako rin. Ganu’n lang, baka things are just... not all storybooks are made to last forever, you know. Sometimes, you just enjoy that chapter, then you close the book and you move on,” sagot ni Ruffa.


Napag-usapan din sa panayam kung istrikto bang ina si Ruffa pagdating sa love life ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas.


“Istrikto ka rin ba? Nakikialam ka rin ba sa love life ng mga bata?” tanong ni Boy.

“Wala silang love life, so ‘di ako strict. They actually late bloomers at kung meron man, alam kong pipili sila ng maayos, disente, ‘yung mamahalin sila and prayerful. ‘Yun lang ang lagi kong sinasabi sa kanila, ‘yung someone with the right values,” sagot ni Ruffa.


“When you look at your daughters, ano ‘yung pagkakapareho at pagkakaiba mo when you were their age?” tanong pa ni Boy.


“They are more disciplined. They love to study. They know what they want. ‘Di love life ang nasa isip nila,” ani Ruffa.


“‘Di sila rebellious?” dagdag na tanong ni Boy.


“‘Di naman sila rebellious. No, ako naman, I realized that everything that my mom did back in the day, ‘yung pagiging mahigpit n’ya, was for my own sake kasi I’m the only girl. And natuto ako nu’n, and I realized all of that nu’ng naging nanay rin ako. 


“S’yempre, ‘di natin mare-realize ‘yun ‘pag bata ka. So, nu’ng naging nanay ako, na-realize ko, full circle moment. And when my mom was strict, sabi ko, maraming-maraming salamat, Ma, dahil hinigpitan mo ako, naging maayos at maganda ang buhay ko,” ani Ruffa.


Korek ka r’yan, Ruffa. Mother knows best, ‘di ba naman, madlang people?

Anyway, happy birthday sa mother dearest ni Ruffa na si Annabelle Rama!





MALAKI ang naging impluwensiya ng yumaong Superstar na si Nora Aunor sa commercial model na si Jazmine Rhian Relojo, na pangarap ding maging artista tulad ng kanyang ninang na si Guy.


Si Nora ang naging inspirasyon ni Jazmine upang mas mahalin ang pag-arte at ipagpatuloy ang pangarap na mapasok ang mundo ng showbiz.


Kuwento nito, bata pa lamang siya ay lagi na siyang isinasama ng kanyang inang si Tess Ocampo sa iba’t ibang lakad, pagtitipon at showbiz events. Miyembro si Tess ng mga fan groups na Nora’s Friends Forever (NFF), Happy Peeps at Global Guy Cocoy Lovers Friends (GGCLF).


Nang maging aktibo ang kanyang ina sa fans club ni Guy, nakasama rin si Jazmine sa mga taping ng My Little Nanay, ilang pormal na okasyon at maging sa mga simpleng pagbisita sa Superstar.


Bukod sa husay sa pag-arte, nakilala ni Jazmine si Guy bilang malambing at mapagmahal na ninang na kinukumusta siya at binabati sa bawat achievement niya sa school.


Hindi na rin bago kay Jazmine ang humarap sa kamera dahil bata pa lamang siya ay nakagawa na siya ng mga commercials at maliliit na acting roles.


Habang lumalaki, lalo pang hinangaan ni Jazmine ang husay ni Nora sa pagganap sa iba’t ibang karakter at paglalarawan sa buhay ng ordinaryong Pilipino. Naging inspirasyon ito upang mas mahalin niya ang pag-arte, na nahasa niya sa mga school activities, theater plays at roleplay noong high school.


Sa edad na 18, first-year Tourism Management student si Jazmine sa Far Eastern University (FEU) Manila. Prayoridad muna niya ang pag-aaral, pero bukas siya sa posibilidad na muling umarte kapag nabigyan ng pagkakataon.


Naniniwala si Jazmine na kayang pagsabayin ang pag-aaral at passion basta may disiplina at dedikasyon.


Kung muling mabibigyan ng pagkakataong umarte, mananatiling inspirasyon niya ang kanyang ninang na si Nora Aunor, ang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page