top of page
Search
  • BULGAR

Todo-hugot sa IG… KC: NAGMAHAL TAPOS NAIWAN DIN

ni Nitz Miralles @Bida | April 16, 2024




Nakakatuwasi KC Concepcion, ngayon lang napanood ang Hello, Love, Goodbye at ipinost sa IG (Instagram) story niya ang picture niyang umiiyak habang nanonood. Nasa caption niya ang “Kinilig. Tumawa. Umiyak. Nanghinayang. Nagka-hope. Naka-relate.” 


May voice-over pa siyang, “Nagmahal, tapos maiiwan din.”


Siguradong bibigyan ng ibang meaning ang post na ito ni KC, lalo na at nabalitang break na sila ni Mike Wuethrich. Hindi siya nagparamdam sa birthday ni KC at sa MyDay account lang niya binati si KC ng happy birthday.


Mabuti na lang at pinasaya si KC ng mga kaibigan at family members sa birthday niya at ang mga pinsan nga sa Pangilinan side ay sa birthday salubong pa lang ay may pa-birthday dinner na sa kanya. May birthday celeb din siya kasama ang amang si Gabby Concepcion.


Anyway, siguradong maraming luha ang iniluha ni KC sa kanyang movie night dahil bago ang HLG, pinanood niya ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Nakakaiyak din ang movie, kaya tuluy-tuloy din ang iyak ni KC.

                                                                     


0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page