Todo-deny after kumalat ang video sa Japan… IVANA AT MAYOR ALBEE, HULI ULING MAGKASAMA SA AIRPORT
- BULGAR
- Feb 17, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 17, 2024

Hindi pa rin matapus-tapos ang chismis kina Ivana Alawi at Bacolod Mayor Albee Benitez kahit pareho na silang nagbigay ng statement at idinenay ang sinasabing relasyon nila.
Muli kasi umanong naispatan sina Ivana at Mayor Albee na magkasama after pagpiyestahan 'yung video nila sa Japan.
Kamakailan, after ng statement ni Mayor Albee, isang screenshot mula sa TikTok video ang kumalat kung saan makikita sina Ivana at Mayor Albee sa airport.
Ang social media personality na si @Auntie Selina ang nag-share ng screenshots. Iba raw ito sa first video that circulated online kung saan parehong nakasuot ng white tops sina Ivana at Mayor Albee.
Sa recent screenshot na ishinare, naka-black long sleeves ang aktres habang ang nasa likod niya at kasunod sa pila ay obviously ang sister niyang si Mona Alawi.
Nasa likod naman ni Mona ang brother nilang si Hashim at apparently, si Mayor Albee who was wearing a striped shirt ang nasa likod ng brother ni Ivana.
Komento ng netizen, “Panay daw ang deny, pero nakikita pa rin sa online na magkasama.”
Sey nga ni @auntieselenamo, "Mukbang ba 'yan, Mhie?"
“HAHAHAHA! May pag-deny-deny pa kasi sila. Anyways, time is the ultimate truth teller,” ang komento ni @PortiaCeci73322.
Baka naman may project together or isa ito sa mga pranks ni Ivana? Hehehe!
Gustong exclusive sa vlog nila… JESSY AT LUIS, BINAWALAN ANG MGA BISITANG ILABAS ANG PICTURES SA KASAL

Tulad nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ay nagpakasal ding muli sina Luis Manzano at Jessy Mendiola nitong February 15.
This time ay church wedding na sila, unlike nu'ng una silang ikinasal via civil wedding sa The Farm, San Benito, Batangas nu'ng February 21, 2021.
Sa Coron, Palawan naganap ang church wedding ng celebrity couple, na ang nag-officiate ay si Father Tito Caluag.
Wala pang mga larawan ng kasal nilang dalawa. Kaya komento ng isang netizen, "Pakisabi, itago na lang nila mga pics, feeling relevant masyado, bawal mag-post mga bisita para sa vlog."
"Gusto lang nila na una silang mag-post ng pictures. Baka bukas, puwede na."
"Siyempre, for their vlog. Alangan namang iba pa unang makinabang. Feeling relevant, binawalan mga bisita."
"Sa happy news muna tayo. Excited to see Rosie sa dress niya."
"Refreshing to hear this kind of news. 'Di puro hiwalayan, ok ito, good news. May forever din naman."





Comments