top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Tiyahing pulis ng 14-anyos na nagmasaker sa iskul, dapat sampahan ng patung-patong na kasong kriminal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 27, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


‘PAG PINAAMYENDAHAN ULI NI SEN. PADILLA ANG JUVENILE JUSTICE LAW PARA IBABA ANG EDAD NG MGA EXEMPTED SA KRIMEN, ‘WAG NA SANA ITONG KONTRAHIN NI SEN. PANGILINAN – Masakit para sa pamilya ng apat na estudyanteng namatay at sa mga sugatan na ang itinuturong pangunahing salarin ay hindi kinasuhan dahil 14-anyos pa lamang ito. Ayon sa umiiral na batas na inakda ni Sen. Kiko Pangilinan, ang nasa ganitong edad ay exempted sa criminal liability at isinasailalim lamang sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa diversion program.


Kaya kung muling isusulong ni Sen. Robin Padilla ang pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act upang ibaba sa edad na 10 o 12 ang exempted sa criminal liability, sana ay huwag na itong tutulan ni Sen. Pangilinan. Kitang-kita naman ang problema sa batas: ang 15-anyos na isang warning shot lang ang pinaputok ay nahaharap sa patung-patong na kaso, samantalang ang 14-anyos na umano'y nagpaputok ng 36 na bala na ikinamatay at ikinasugat ng marami ay lusot dahil exempted sa criminal liability. Tsk!


XXX


TIYAHING PULIS NG 14-ANYOS NA PINAKASALARIN SA KRIMEN, DAPAT SAMPAHAN NG PATUNG-PATONG NA KASONG KRIMINAL – Marahil, para kahit paano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ng mga pamilya ng mga biktima, hindi lang administrative case ang dapat isampa sa tiyahing pulis ng 14-anyos na suspek, kundi pati criminal case, tulad ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple frustrated murder, at multiple serious physical injuries.


Kung hindi dahil sa kanyang kapabayaan, at kung naitago niya nang maayos ang kanyang baril, hindi sana ito nakuha ng kanyang pamangkin at hindi sana naganap ang masaker sa San Juan National High School sa Tacloban City. Dahil nangyari na ang krimen, nararapat lang na managot din siya sa ilalim ng batas. Period!


XXX


DATI KINA SEN. ESCUDERO AT SEN. VILLANUEVA  'MAINIT' SI OMBUDSMAN REMULLA, NGAYON KINA SEN. CAYETANO AT SEN. PADILLA NA – Inatasan ng Office of the Ombudsman sina Sen. Alan Cayetano at Sen. Robin Padilla na sagutin ang isinampang kasong obstruction of justice kaugnay ng umano'y pagtulong sa pagkakapuga ni Sen. Ronald Dela Rosa mula sa Senado habang nasa protective custody pa ito ng Senate of the Philippines.


Noong hindi pa umano sumasapi sa Gatchalian bloc sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Joel Villanueva, sila ang madalas umanong pinupuntirya ni Ombudsman Boying Remulla, na paulit-ulit nagsasabing malapit na silang makasuhan kaugnay ng isyu sa flood control. Ngunit nang mapabilang na sila sa nasabing grupo, tumahimik na umano ang Ombudsman sa kanila. Ngayon naman, sina Sen. Cayetano at Sen. Padilla ang tila pinag-iinitan. Boom!


XXX


USO NA NAMAN YATA ANG 'TARA' SYSTEM KAYA MGA SMUGGLED YOSI, NAIPUPUSLIT SA CUSTOMS – Madalas na nakakakumpiska ang Philippine National Police (PNP) ng mga smuggled na sigarilyo sa iba't ibang panig ng bansa, kahit nakalulusot ang mga ito sa mga tanggapan ng Customs.

Hay naku, tila yata buhay na naman ang "tara" system sa Customs kaya naipupuslit ang mga smuggled na yosi. Buti na lang maagap ang kapulisan kaya nakukumpiska ang mga ito bago pa maibenta sa merkado. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page