top of page

Tito Sotto, sa Senado na naging senior citizen, pero now lang naisip palakihin income ng mga magsasaka

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 22, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAHIT SA PA-SURVEY NG ANTI-DUTERTE NA MAGDALO NI TRILLANES, LUMABAS NA MALAKAS NA REELEKSYUNISTA SI SEN. BONG GO -- Sa isinagawang survey ng Magdalo Group ni former Sen. Antonio Trillanes, kilalang kritiko ni ex-P-Duterte, ay rank number 4 si Sen. Bong Go na kaalyado naman ng dating presidente.


Ibig sabihin, kahit sa pa-survey ng anti-Duterte na Magdalo Group lumabas na napakalakas na reeleksyunista sa pagka-senador si Sen. Bong Go kasi kung susuriin ang rating ay maliit lang ang inilamang sa kanya ng rank 1 (ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo), rank 2 na si broadcast journalist Ben Tulfo, at rank 3 na si Eat Bulaga TV host, former Senate Pres. Tito Sotto.


‘Ika nga, wala talagang katalo-talo at malaki talagang posibilidad na after ng bilangan ng boto sa May 2025 midterm election, si Sen. Bong Go ang tanghaling number 1 senador ng ‘Pinas, period!


XXX


TUMANDA NA SA SENADO SI TITO SOTTO ‘DI NIYA NAISIP PALAKIHIN ANG INCOME NG MGA MAGSASAKA AT PORKE KANDIDATO ULI SAKA IBINIBIDA -- Pinutakti ng batikos sa social media si former Senate Pres. Sotto sa kanyang statement na sakaling palarin daw uli siya na maging senador ay tutukan daw niya na mapa-increase ang presyo ng mga local na agricultural product sa bansa pati raw mapalaki ang income ng mga magsasaka.


Aba’y mababatikos talaga siya dahil nasa middle aged pa siya nang unang maging senador noong 1992 at sa Senado na siya tumanda o naging senior citizen ay hindi niya naisip dati ang napakagandang panukalang iyan, at porke kakandidato siya uli sa pagka-senador ay iyan ang ibinibida niya para iboto siya ng milyun-milyong magsasaka, tsk!


XXX


PARANG TRAPO ANG OCTA, NOON LAGING HIGH RATING SI EX-P-DUTERTE BAGSAK SI EX-VP ROBREDO, PERO NGAYON SI PBBM NA HIGH RATING AT BAGSAK NA RATING NG MGA DUTERTE -- Sa inilabas na survey ng OCTA Research Firm ay mas marami raw ang sumusuporta ngayon kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa rating na 36%, at kaunti na lang daw sa Duterte sa rating na 18%.


Itong OCTA para rin pala itong trapo (traditional politician), bumabaling, kasi noong si ex-P-Duterte pa ang presidente ng bansa ay laging ang taas ng rating nito at laging bagsak naman ang rating ni ex-Vice Pres. Leni Robredo, pero ngayon si PBBM na ang pangulo laging taas rating at bagsak naman daw ang rating ng Duterte, boom!


XXX


PASAY LGU OFFICIALS TORETE AT NGARAG NA SA ‘TAKOT’ DAHIL ANG ISINAMPANG KASO KAY ALICE GUO POSIBLENG ISAMPA SA KANILA -- Matapos ang sunud-sunod na raid na isinagawa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pasay City, sinabi ni PAOCC spokesman Winston Casio ay pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga Pasay City Hall official dahil sa pagbibigay pahintulot sa mga POGO na makapag-operate sa lungsod.


Dahil sa sinabing iyan ni PAOCC spokesman Casio ay siguradong natorete at ngarag sa ‘takot’ ang mga Pasay City LGU officials kasi maaari rin silang makasuhan tulad ng mga kasong isinampa kay former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac na nagbigay din ng pahintulot sa POGO na makapag-operate sa kanyang nasasakupan, abangan! 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page