top of page

Tinutulan ng Supreme Court... Trump, itinaas sa 15% ang global tariff

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 1 min read

by Jenny Rose Albason @Overseas News | February 24, 2026



Pres. Donald Trump sa pag-signed sa executive order sa tariffs - File Leah Millis-Reuters

Photo: File Leah Millis / Reuters



Itinaas ni Donald Trump sa 15% ang global duty sa mga inaangkat na produkto sa Estados Unidos, isang araw matapos ideklarang ilegal ng US Supreme Court ang malaking bahagi ng kanyang tariff program.


Sa kanyang Truth Social platform, sinabi ni Trump na matapos ang “thorough review” sa desisyon ng Korte Suprema, na tinawag niyang “extraordinarily anti-American,” itataas ng administrasyon ang import levies sa “fully allowed, and legally tested, 15% level.”

Nauna nang inanunsyo ni Trump ang 10% taripa matapos ang desisyon ng korte.


Dagdag pa niya, sa mga susunod na buwan ay maghahanap ang kanyang administrasyon ng iba pang “legally permissible” na paraan upang magpatupad ng karagdagang taripa.


Ayon sa White House, pansamantala lamang ang bagong 15% duty at maaari itong ipatupad hanggang 150 araw. May mga exemption pa rin para sa ilang sektor na nasa ilalim ng hiwalay na imbestigasyon, kabilang ang pharmaceutical products at mga kalakal na saklaw ng US-Mexico-Canada trade agreement.


Ang hakbang ay pinakabagong yugto sa pabago-bagong patakaran sa taripa ng administrasyong Trump, kung saan ilang beses nang itinakda, binago, o binawi ang iba’t ibang antas ng buwis sa mga produktong inaangkat sa US sa nakalipas na taon.


Noong Biyernes, sa botong 6-3, nagpasya ang conservative-majority Supreme Court na ang batas noong 1977 na ginamit ni Trump upang magpataw ng biglaang taripa sa ilang bansa ay hindi nagbibigay ng otoridad sa pangulo upang magpatupad ng ganitong hakbang.


Mariing tinuligsa ni Trump ang desisyon, at sinabing siya ay na-“ashamed” sa ilang miyembro ng korte, kahit dalawa sa mga mahistrado ay siya mismo ang nagtalaga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page