top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Firing squad sa Fort Hood shooter sa US, ipapalabas nang live

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by BRT @News | October 9, 2026



Nidal Malik Hasan - Circulated

Photo: Circulated



Ipapalabas nang live ang pagbitay sa firing squad kay Nidal Malik Hasan, ang dating sundalong pumatay ng 13 katao at sumugat sa 32 iba pa sa Fort Hood military base noong 2009, ayon sa Pentagon.


Nakatakdang isagawa ang pagbitay sa Disyembre 3, matapos aprubahan ni US President Donald Trump ang parusang kamatayan kay Hasan.


Ayon sa Pentagon, magbibigay pa sila ng karagdagang detalye tungkol sa live broadcast.


Nahati naman ang opinyon ng mga eksperto sa plano. Para sa ilan, makatutulong ito upang maging malinaw sa publiko ang proseso ng pagbitay. Para naman sa iba, nagbubukas ito ng mga tanong tungkol sa batas, dignidad ng bilanggo at layunin ng pamahalaan.


Si Hasan ay nahatulan dahil sa pamamaril sa mga sundalo sa base militar sa Texas noong Nobyembre 2009.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page