Florida, hiniling na higpitan ng Meta ang paggamit ng Instagram at Facebook ng kabataan

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: File / Meta
Hiniling ng Florida sa isang korte na utusan ang Meta Platforms na higpitan ang paggamit ng Instagram at Facebook ng mga kabataan.
Sa mosyon ni Florida Attorney General James Uthmeier, hiniling na alisin sa mga platform ang mga user na wala pang 14 taong gulang, limitahan sa dalawang oras bawat araw ang paggamit ng mga teenager at patayin ang autoplay at infinite scroll.
Inakusahan ng Florida ang Meta na sadyang idinisenyo ang mga platform nito para maging nakaaadik sa kabataan.
Hindi sumali ang Florida sa kasunduan ng Meta at 48 estado sa US na naglalayong palakasin ang proteksyon sa teen users.
Iginiit naman ng Meta na walang sapat na basehan ang mosyon at dapat ding tugunan ng Florida ang mga platform tulad ng YouTube at TikTok.





Comments