top of page
Search

by Info @Brand Zone | May 2, 2025





Isang pangarap ni dating gobernador Luis “Chavit” Singson ang natupad nang pinasinayaan noong Lunes ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas, na nagbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon.


Sa loob ng malawak na planta, ipinahayag ni Singson ang kanyang adhikain: bigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon.


“Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney dahil ito ang hiling ng mga tsuper at transport groups, Kinakailangan din ito ng gobyerno. Ngunit ngayon, ginagawa natin itong sustainable,” sabi ni Singson na matagal nang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga transport workers.


Ang bawat unit ay nagkakahalaga ng P1.2 milyon, kumpara sa P2.5-P3 milyong presyo sa merkado -- na kayang bawiin ng mga tsuper sa loob ng 2-3 taon.


Ayon kay Singson, kayang bawiin ng mga tsuper ang puhunan sa loob ng 2-3 taon at may buong suporta sa lokal na maintenance ang pasilidad na magpo-produce ng 500 unit bawat buwan.


“Kapag may nasira, maaayos natin dito,” giit ni Singson. “Target naming gumawa ng 500 unit bawat buwan, at dadami pa ito kung tataas ang demand.”


Lahat ay asembolado sa planta ng mga Pilipinong manggagawa. Dalawang oras lang at apat na trabahador para sa bawat unit, paliwanag niya.


Ang planta na magbibigay ng trabaho sa humigit-kumulang 80 na manggagawa at palalawakin pa sa Visayas at Mindanao.


Hindi ito pulitika, ayon kay Singson. “Ayoko mabahiran ng kulay kaya ako nag-withdraw. Gusto ko ng solusyon.”


Si Rep. Richelle Singson ng Ako Ilokano Ako Partylist ay nauna nang nangakong ipagpapatuloy ang adhikain: “Tinutuloy namin ang laban ni daddy.”


Ipinangako niya na pangungunahan ng Ako Ilokano Ako Partylist ang pagtulong sa mga tsuper at operator sa harap ng hamon ng PUV modernization program.


Gayunpaman, ang maliit na hadlang, ani ni Chavit, ay ang pag-apruba ng ruta ng e-jeepney.


Dagdag ng dating gobernador na hinihintay nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iproseso ang mga aplikasyon ng prangkisa para sa mga serbisyo sa transportasyon ng e-jeepney.


Habang naghihintay ng mga lokal na permit, sinabi niya na lumalaki ang internasyonal na interes. Ang Paraguay ay nag-order na ng 60 unit sa P2.5 milyon bawat isa — isang deal na inamin niyang makakatulong na mabawi ang kanyang gastos.


Samantala, matibay ang suporta ng mga transport group.Ipinagpasalamat ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, ang planta: “Si Manong Chavit, siya nakaisip na yumakap sa amin sa transportation, at lalo na sa LTFRB. Kami ay natutuwa dahil sa wakas naitayo na ang kauna-unahang assembly plant ng e-jeepney sa Pilipinas.”


Ayon kay Zaldy Pingay ng Stop and Go Transport Coalition: “Nagpapasalamat kami kay Gov. Chavit dahil magbibigay ng napakamura, zero downpayment at interest.”


“Pilipino kukunin nilang workers. ‘Yung magtatarabaho rito sa planta at service center. Maraming trabaho ang ibibigay. Malaking tulong sa ating ekonomiya. Hindi na mawawala ang mukha ng jeepney.”


Ang planta ay bunga ng partnership ng LCS Group at E-MON Co. ng Korea, na nagdisenyo ng 27-seater na e-jeepney na pinagsama ang modernong teknolohiya at klasikong disenyong Pilipino.


Nakatakda na rin ang pagpapalawak sa Visayas at Mindanao, na magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 2, 2025



File Photo: Si Pangulong Bongbong Marcos sa 123rd Labor Day - RTVM


Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kinakailangan ang masusing pag-aaral sa hiling na taas-sahod ng mga manggagawa dahil may epekto ito sa negosyo, trabaho at ekonomiya.


Ginawa ni Marcos ang pahayag nang pangunahan ang pagdiriwang ng 123rd Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City, kahapon.


"Sa usapin naman ng pagtaas ng suweldo, masarap pakinggan ang matatamis na mga pangako, ngunit ang mga ito ay may epekto sa paglago ng negosyo, trabaho, at ekonomiya. Kaya’t kailangan na pag-aralan natin nang mabuti," pahayag ni Marcos.


Nauna nang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Marcos na i-certify as urgent ang P200 legislated wage hike kung saan idinahilan ang pagtaas sa mga gastos sa pampublikong transportasyon.


Gayunman, tiniyak ng Pangulo na pinakikinggan ng gobyerno ang panawagan ng mga manggagawang Pilipino para sa mas mataas na sahod at ang kanilang mga alalahanin ay tinutugunan sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa buong bansa.


Binanggit din ng Pangulo na may kabuuang 16 na rehiyon sa buong bansa ang nagpatupad na ng minimum wage increase mula noong Hunyo ng nakaraang taon.


Samantala, inihayag naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nakatakdang magsimula ang RTWPB sa National Capital Region ng bagong round ng pag-uusap para sa posibleng minimum wage hike sa kalagitnaan ng buwan.

 
 

by Info @Brand Zone | Apr. 23, 2025



Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor Day, muling pinapatunayan ng SM Supermalls ang suporta nito sa mga Pilipinong job seekers sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas accessible na employment opportunities. Sa pakikipagtulungan sa mga key partners gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Jobstreet by SEEK, layunin ng SM na makatulong sa mas maraming Pilipino na makahanap ng meaningful at long-term na trabaho.


Isang aplikante, agad na-hire on the spot sa SM Job Fair!


Tuloy ang partnership ng SM at Jobstreet by SEEK

Ngayong May 1, opisyal nang iri-renew ng SM ang partnership nito with Jobstreet by SEEK, isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang job platforms sa bansa. Sa patuloy na pagtutulungan, mas palalakasin pa ang digital at on-ground recruitment efforts para maging mas mabilis at mas convenient ang job search experience ng bawat aplikante.


Libo-libong job seekers ang dumayo sa SM Mall of Asia na excited mag-level up sa kanilang careers.



Tara na sa nationwide Labor Day Job Fairs sa May 1

Sa tulong ng DOLE, sabay-sabay na gaganapin ang Labor Day Job Fairs sa 20 SM malls nationwide. Libo-libong job vacancies ang naghihintay para sa inyo:

  • SMX Convention Center Manila

  • SM Center Las Piñas

  • SM City East Ortigas

  • SM City Marikina

  • SM City Sucat

  • SM City Grand Central

  • SM City Baguio

  • SM City Tuguegarao

  • SM City Cabanatuan

  • SM City Olongapo Central

  • SM City Pampanga

  • SM City San Jose Del Monte

  • SM City Taytay

  • SM Center San Pedro

  • SM City Sto. Tomas

  • SM City Roxas

  • SM City Bacolod

  • SM Seaside City Cebu

  • SM CDO Downtown Premier

  • SM City Davao



Makulay at punong-puno ng energy ang mga Job Fair sa SM Supermalls.


Hassle-free ang job hunting with on-site government services

Mas pinadali ang proseso ng pag-aapply sa SM Job Fairs! May mga booth ang government agencies tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund para tumulong sa requirements ng mga aplikante. Kaya isang punta lang, kumpleto agad ang mga kailangan mo sa pag-a-apply!



Ready na ang mga job seekers mag pa-impress sa mga recruiters nila sa SM Job Fair.

SM Supermalls: Tulong sa trabaho, tulong sa bayan

Hindi lang ito simpleng job fair—ito ay bahagi ng mas malaking layunin: makatulong sa economic recovery ng bansa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at suporta sa mga negosyo, patuloy na tumutulong ang SM sa pagbangon at pag-unlad ng mga komunidad.


Libo-libong job seekers ang dumayo sa SM Job Fair para maghanap ng career opportunities.


 May Job Fairs schedule:

📌 May 1 – 20 SM malls nationwide📌 May 2 – SM City Valenzuela📌 May 22 – SM City Lucena📌 May 29 – SM City Dasmariñas (SM Group Exclusive Job Fair)📌 May 30 – SM City Trece Martires


Handa ka na bang i-level up ang career mo?Punta na sa SM Job Fairs ngayong May 1, simula 10 AM. Dalhin ang maraming kopya ng updated resume, valid ID, at ang pinaka-best version ng sarili mo!


About sa SM Supermalls

Ang SM Supermalls, bahagi ng SM Prime Holdings, Inc., ay ang nangungunang mall developer sa bansa na dedikado sa mga sustainable at community-driven initiatives. Sa pamamagitan ng mga job fairs nito, patuloy na inaangat ng SM ang mga Pilipinong job seekers, sinusuportahan ang mga negosyo, at tumutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page