top of page

Tinarayan na naman ni Trump ang Santo Papa, Digong na Digong ang peg!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | April 14, 2026



Bistado ni Ka Ambo



Tinarayan na naman ngayon ni US President Donald Trump ang Santo Papa sa Vatican City.

Digong na Digong talaga.


-----$$$--


Ang mahalaga kay Trump ay ang kapakanan ng United States at mga mamamayan nito.

Isinasakripisyo niya maging ang kanyang “kaluluwa”–kung mayroon man.


-----$$$--


Nagaganap na ngayon ang Battle of Hormuz.

Malinaw na wala pang solusyon sa ating nararanasang krisis.


-----$$$--


Ayon sa mga otoridad, wala raw problema sa suplay ng petrolyo.

Mali o tama?

Malaking MALI.


----$$$--


DAPAT ay nauunawaan ng mga tagapayo ni PBBM ang kahulugan ng “Law of Supply and Demand”.

May nagbulong mula sa “Row 4”—baka ipa-repeal nila ang “law of supply and demand!”


-----$$$--


BATAY sa Law of Supply and Demand, kapag marami ang suplay ng produkto tulad ng kamatis at sibuyas, mababa ang presyo o ito ay ibina-bargain sale.

Kapag naman kapos ang suplay ng sibuyas at kamatis, lolobo po ang presyo nito.


-----$$$--


ANG tanong: Wala bang problema sa suplay ng petrolyo? May sapat bang suplay ng petrolyo?

Malinaw ang sagot: Kapos ang suplay at may aktuwal na problema sa suplay!

Iyan ang dahilan kung bakit “lumobo ang presyo” ng petrolyo.


-----$$$--


KAPAG ba ibinalita o inilabas sa social media na kapos sa suplay at may krisis sa petrolyo—FAKE NEWS ba yan?

Alin ang pekeng balita? Ang nagsisinungaling sa publiko na may sapat na suplay o ang nagsasabi na “aktuwal na kapos ng suplay.”


-----$$$--


ANO ang indikasyon  ng “panic”?

Mabibisto na nagpapanik ang isang tao kapag siya ay “nagsasalita nang malayo sa katotohanan.”

Sino ngayon ang nagbubunsod ng “panic”? 

Sino ngayon ang nagpapakalat ng “pekeng impormasyon”?

Sumagot kayo!


------$$$--


LAHAT ng eksperto (maliban sa mga sipsip)—ay nagsasabi na walang linaw kung kailan matatapos ang Iran war.

Kakambal ng giyera ay ang kapos na suplay ng petrolyo—siyempre, mataas na presyo ng produkto!


-----$$$--

KAPAG wala sa maayos na disposisyon at posisyon ang mga lider—‘yan mismo ang nagpapagrabe sa krisis.

Tanggapin dapat na may krisis—o may nakaambang krisis—at mula dito, himukin ang bawat mamamayan na “saklolohan”ang ating gobyerno.


-----$$$--


HINDI kailangan ng tao ang tulong ng gobyerno sa panahon ng krisis.

Ang kailangan ay ang TULONG NG MGA TAO—upang saklolohan ang gobyerno.


-----$$$--


ANG pagbabayad ng buwis nang maayos ay isa sa pinakaepektibong solusyon sa panahon ng krisis.

Kailangang maging matatag ang gobyerno—upang mapanatili nito ang kaayusan ng ating lipunan.


-----$$$--


MALI ang lahat ng rekomendasyon—tanggalin ang mga buwis!

Ito mismo ang magpapaguho sa ating pinakamamahal na Republika ng Pilipinas.

Kapag walang magbabayad ng buwis, paralisado ang mga sangay ng pamahalaan.


----$$$--


IISA ang malinaw: Hindi kasalanan ni PBBM ang krisis o pagdarahop na nagaganap.

Pwes, tulungan natin ang kanyang administrasyon.


-----$$$--


ANG pagbagsak ng gobyerno sa panahon ng krisis, ay siyang magbubunsod ng ibayong pagdarahop—na apektado—ang mahihirap at maging ang mga mayayaman!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page