This is it! “YES, I WILL MARRY JULIE ANNE SAN JOSE” — RAYVER
- BULGAR
- Dec 2, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 2, 2023

Sa gitna ng balita ng maraming breakups, breath of fresh air na going strong ang relasyon nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. In fact, Rayver is talking about marriage na nga.
Sobrang kinilig ang JulieVer fans sa unang naging pahayag ni Rayver na ngayon pa lang, sa isip at puso niya, si Julie na ang pakakasalan niya.
Inulit ito ni Rayver sa isang interview sa sinabing “Yes, I will marry Julie Anne San Jose.”
Alam daw ng Diyos kung gaano niya kamahal ang girlfriend at sigurado siyang sa pagpapakasal ang kanilang ending.
Nagsusuportahan ang dalawa sa kani-kanyang projects at nakikita si Rayver sa set ng The Voice Generations at ang biro sa kanya, binabantayan ang GF.
Tiyak din na present siya tonight, December 2, sa Queendom: Live concert nina Julie, Hannah Precillas, Thea Astley, Mariane Osabel, Jessica Villarubin at Rita Daniela.
Gabi ng good music, mesmerizing harmonies, phenomenal performances, and a symphony of sensational vocal prowess ang mapapanood sa Newport Performing Arts Theater. Si Miggy Tanchanco ang director nito.





Comments