“The big one” na yumanig sa Mindanao, paano kung sa Metro Manila ito tumama?
- BULGAR

- Jun 10
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | June 10, 2026

Naranasan ng General Santos City at karatig pook ang “The Big One.”
Paano kaya kung sa Metro Manila ito sumentro?
-----$$$--
Kay daming gusali ang nawasak at patuloy na dumarami ang bilang ng namatay, sugatan at nawawala.
Wala pang kumpletong ulat hinggil dito.
-----$$$--
Sa gitna ng trahedya, nagdedebate at nag-aaway ang mga national leaders at ang kanilang mga tagasuporta.
Meaning, mauubos ang oras at araw sa ingay at away, hanggang sa dumating na ang 2028 presidential election.
Ito na ang pinaka-exciting na eleksyon sa kasaysayan.
-----$$$--
Bago mag-Mayo 2028, maraming puwedeng maganap na may kaugnayan sa nagtutunggaliang paksyon ng mga Duterte at Marcos.
Nagtataka tayo, bakit naikakalantari pa ang “Marcos,” ngayong hindi na puwedeng kumandidato si PBBM.
-----$$$--
KUNG inilalarawan bilang bida o kontrabida si VP Sara, iyan ay normal—dahil siya ay nagdeklara na.
Pero, ang mga “Marcos” ay hindi naman presidential aspirant.
----$$$--
KUMBAGA sa modern math, dapat ay “x” kung “x” at “y” kung “y.”
Ibig sabihin, hindi “Marcos” ang dapat kasalungat ng “Duterte,” bagkus ay sinumang “aspirante” sa 2028.
----$$$--
HALIMBAWA, ika nga ni SP Alan Peter Cayetano, bakit wala siya sa “headline”?
Dapat ang nag-aagawan sa “headline” ay si VP Sara at Risa Hontiveros o kahit si Leni Robredo.
-----$$$--
BAKIT ang nagtutunggaliang puwersa sa headline ay “linyang Duterte” at “linyang Marcos.”
Dahil sa ganyang diskarte, nakakaagaw ng libreng publisidad si VP Sara at naaagrabyado nang hindi sinasadya ang sinuman kina Hontiveros at Robredo.
-----$$$--
NAGAGANAP ito, dahil “nalipasan na ng uso o panahon” ang mga PR consultant.
Luma at gasgas na ang estilo ng mga PR consultant, ang kanilang padron na sinauna pa—panahon pa ng La Solidaridad.
-----$$$--
DIGITAL space na, AI na iba na dapat ang diskarte sa public relations.
Hindi sila kumikibo o nag-i-innovate, dahil patuloy naman silang “nagkakamali ng maleta.”
Kaawa-awa naman ang kanilang mga kliyente.
-----$$$--
TUWANG-TUWA naman ang kampo ni VP Sara, dahil hindi sinasadya—sila ang nabibiyayaan ng makaluma at palpak na estilo ng “crisis management” ng kanilang katunggali.
He-he-he!
-----$$$--
TULAD ngayon, masasapawan ang “away sa Kongreso” at “impeachment trial” ng mga ulat kaugnay ng trahedya ng lindol sa Mindanao.
Hindi ba kayo nagtataka?
Mindanao pa rin ang usapan at isyu.
At siyempre, nakadikit pa rin ang pangalan ng mga Duterte at malayong mabanggit ang “Hontiveros at Robredo” sa mga headline.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments