top of page
WINNER - “GINAWA KO LANG ANG PARTE KO BILANG PILIPINO. MGA G_GO PALA KAYO D’YAN, EH!” - DA

Taumbayan, umay na sa impeachment trial ni VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 1, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Wala nang interest ang taumbayan sa impeachment trial laban kay VP Sara.

Mistulang propaganda kontra-propaganda ang mga lumalabas na impormasyon.


-----$$$--

HINDI lang ang ordinaryong Pinoy ang biktima, bagkus ay ang mismong mainstream at social media players.

Nagagamit ang media at socmed sa “dispalinghadong konteksto.”


-----$$$--

HIGIT sa 50% ng oras, espasyo, resources at enerhiya ay nilalamon ng “konteksto” na iniayos pabor sa magkakasalungat na panig.

Hindi totoo at kaduda-duda ang opinyon at impormasyon.


-----$$$--

PAANO ka magtitiwala sa isang hukuman na ang akusado at mga huwes ay pawang inaakusahan ng garapalang korupsiyon o pandarambong?

Sa ibang bansa, sa ilalim ng parliamentary form of government, biglaang binubuwag ang kabuuan ng parliyamento at sabay-sabay na nagbibitiw ang mga inaakusahan.


----$$$--

SA Pilipinas, sobrang kapal ng mukha ng mga pulitiko—halos lahat ay naglilinis-linisan.

Pero ang katotohanan, silang lahat ay halos itim ang bituka at halang ang kaluluwa.


-----$$$--

KAHIT mahatulan si VP Sara ng pagkatanggal—ang Kongreso ay ilalarawan pa rin bilang pugad ng mga pusakal na buwaya.

Iyan mismo ang matatanim sa mata at kaisipan ng mga kabataan.


----$$$--

WALANG konsensya ang mga pulitiko sa Pilipinas.

Dahil halos negatibo ang impresyon sa mga mambabatas—‘yan na rin ang impresyon sa impeachment court—hindi sila kapani-paniwala!


----$$$--

HABANG pinupukol nila ng putik at sinasabuyan ng burak ng alegasyon si VP Sara, nananatili itong popular sa mayorya ng mga botante.

Kung ang impeachment process ay isang klase o anyo ng “political exercise”—malinaw na ito ay walang kabuluhan!


------$$$--

ANG ibig sabihin ng political process ay hindi merito ang iiral, bagkus ay aktuwal na pulitika.

Pulitika sa hanay ng mga mambabatas at pulitika sa hanay ng mga botante.


----$$$---

SA gitna ng walang patid na pagbaha at panganib sa pananakop ng AI sa buong mundo, ang Pilipinas ay mistulang entablado ng sinaunang “Moro-moro” at Komedya.

Habang pinanonood ang proseso—hagalpak ng tawa at bulyaw ang nakatutulig na maririnig sa lahat ng sulok.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page