top of page

Taumbayan, maging alerto: Laganap ang panloloko at estafa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | February 4, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Kapansin-pansin ang sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga aktibong pulis sa iba’t ibang krimen.

Signos din ito ng matinding pagdarahop.


----$$$--


DAPAT nating maunawaan na ang mga pulis at sundalo ay ordinaryong mamamayan din.

Nagugutom din sila, may pamilya na dapat tustusan.

Sa gitna ng paghihirap, hindi maiiwasan “gumawa”sila ng paraan.


-----$$$--


MAY ilang pagkakataon na wala nang masulingan ang ilan na nagigipit sa pangangailangan.

Kapag nag-iisip sila nang malalim, mapapansin nila na sila ay may “baril”.


-----$$$--


Hindi sinasadya, nawawala sila sa sarili—at gagamitin ang kanilang “kapangyarihan” para madelihensiya.

Madalas silang makalusot, at ito ang dahilan kaya’t umaabuso at nawawalan ng disiplina sa sarili.


-----$$$--


Dapat ay yakapin ng pambansang pulisya ang “internal cleansing” na sinimulan ni dating PNP chief Guillermo Eleazar.

May periodic at palagiang pagbabantay sa sariling hanay.


-----$$$--


NAKAKALUNGKOT ito at isang malaking kahihiyan.

Pero, bakit kaya hindi gumagawa ng “kakaibang diskarte” para maresolba ang delikadong iskemang ito.


----$$$--


Sa bagay, gaya-gaya lang iyan.

Kung ere ngang mga buwaya ay bilyon-bilyong piso ang kulimbat, at hindi nabibisto—siyempre, kokopyahin ‘yan.


-----$$$--


Kahit sa pribadong sektor ay kaliwa’t kanan din ang sikwat.

Mag-ingat tayo dahil laganap ang sikwat at estafa.

Signos ‘yan ng panahon.


----$$$--


PAHIRAP nang pahirap ang buhay.

Alalahanin natin na malayo pa ang Hulyo at Agosto—ng panahon ng matinding pagdarahop taon-taon.


-----$$$--


SA gitna ng krisis, asahan ang pagdami ng pagpapatiwakal, pagkabaliw at malalagim na krimen.

Wala tayong nakikitang solusyon dito kundi ang magdasal nang walang patid!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page