top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tapos na ang Semana Santa, mga kurakot, aarangkada na naman!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 6, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAHIT SA PANAHON NG SEMANA SANTA, TULOY PA RIN BANGAYAN NG MGA DDS AT LOYALISTA – Sa nakalipas na Holy Week, naging usapin din si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


May ilang Duterte Diehard Supporters (DDS) na ikinumpara si FPRRD kay Hesukristo, na sinasabi nilang hindi rin nabigyan ng due process at basta na lamang inaresto at pinarusahan nang walang sapat na batayan. Sa kabilang banda, may mga kritiko naman na ikinumpara ang dating pangulo kay Barabas, na ayon sa kanila ay nais ding mapalaya ng mga tagasuporta, tulad ng panawagan ng ilang DDS para sa pagpapalaya kay Duterte.


Sa kabila ng okasyon ng Holy Week, naging sentro pa rin ito ng mga diskusyon at bangayan sa social media. Tsk!


XXX


NON-STOP NA NAMAN KURAKUTAN SA KABAN NG BAYAN KASI TAPOS NA ANG HOLY WEEK – Sa panahon ng Holy Week, pansamantalang huminto ang pangungurakot sa kaban ng bayan.


Ngayong tapos na ang Semana Santa, inaasahang magpapatuloy na naman ang operasyon ng korupsiyon. Boom!


XXX


MALI ANG AKALA NI SEN. ESCUDERO NA LUSOT NA SIYA SA KASONG PAGTANGGAP NG CAMPAIGN FUNDS SA KONTRAKTOR – Mali ang akala ni Sen. Chiz Escudero na tuluyan na siyang ligtas sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code matapos siyang iabsuwelto ng Comelec kaugnay ng pagtanggap umano niya ng campaign funds mula sa isang kaibigang kontraktor.


Matapos kuwestiyunin ni Teacher Barry Tayam sa Korte Suprema (SC) ang naging desisyon ng Comelec, inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang komisyon na repasuhin ang nauna nitong pasya na pumapabor sa senador.


Kaugnay ito sa isyu ng umano’y paglabag sa Omnibus Election Code. Period!


XXX


MISTULANG HINIMAS-HIMAS MUNA NG DFA ANG BATOK NG MGA PINOY AT SAKA BINATUKAN NG DOE – Matapos ianunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pumayag ang gobyerno ng Iran na malaya at ligtas na makakadaan sa Strait of Hormuz ang mga barko mula sa Pilipinas na mag-aangkat ng langis sa Middle East, inihayag naman ng Department of Energy (DOE) na tuloy pa rin ang malakihang taas-presyo ng gasolina sa mga istasyon sa bansa.


Magandang balita sana ang ligtas na pag-aangkat ng langis, ngunit agad itong sinundan ng masamang balita tungkol sa bigtime oil price hike.


Parang hinimas muna ng DFA ang batok ng mga Pinoy sa magandang balita, tapos agad namang binatukan ng DOE sa usapin ng pagtaas ng presyo ng langis. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page