top of page

Tandaan: Kapag boses ng batas ang nagsalita, shut up na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 days ago
  • 2 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 14, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Mga beshie, malinaw na malinaw na: UNCONSTITUTIONAL ‘yung impeachment sabi ng Supreme Court. Ang pahayag nila ay boses ng batas at ng Konstitusyon, hindi boses ng bonjing o isang dambuhalang sanggol na iyak nang iyak.


Supreme Court na nga ang nagdesisyon, eh! GALANGIN at SUNDIN natin ‘to. Kapag sinabi nilang TAMA, TAMA. Kapag sinabi nilang MALI, MALI. Period!


Eh kaso, may ilan diyan na feeling mas supreme pa sa Supreme Court — SUPREMER COURT. Meron pang SUPREMEST! Ang kapal! Mambabatas pero hindi marunong sumunod sa batas? Ginawa ng armas ni Supreme Leader Kim Bon Jing ang impeachment. Ano baaa?!


Pinagdesisyunan na ng Korte Suprema na may mali sa inihaing impeachment laban sa Bise Presidente. Pero ayaw paawat ang mga lulong — lulong sa kapangyarihan, intriga, at higit sa lahat, ambisyon. Parang adik lang sa drama beshie? Pinu-push pa rin ang impeachment???


Kaya naman, mag-move on na tayo, magtrabaho at ‘wag konsintihin ang spoiled na bonjing. ‘Wag tayo magpalaki ng buwaya-BONJING pa!


Kaya nga may I suggest na ako sa Kongreso, imbes na inuubos ang oras sa pagpapalit ng taong pinili ng taumbayan, bakit hindi na lang nila palitan ‘yung mga opisyal na sila lang naman ang pumili? ‘Di ba? Suggestion lang naman ‘yan, ‘wag personalin! Tahan na sa pag-iyak!


Ilaan na lang ‘yang gigil-energy ninyo sa paggawa ng maayos at tapat na 2026 budget para sa mga Pilipino.


Mga beshie, tandaan natin: kapag boses ng batas ang nagsalita, shut up na tayo. Makinig. Sumunod. Hindi ‘yung pilit nating ibinibida ang sarili kahit wala na sa hulog. Remind ko lang, hindi tayo batas -- tagagawa lang ng batas! EMEEE!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page