- BULGAR
- 22 hours ago
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 14, 2025

Mga beshie — hindi ko na talaga keri! Kapag taga-NCR ka, parang may crown ka sa sahod? Eh ‘di ba pareho lang naman tayong nagbubuhat, nagpapagod, at pawis na pawis sa trabaho gaya ng mga nasa probinsya?
Kaya naman, inihain natin ang Senate Bill No. 111 o ang National Minimum Wage Act — isang panukalang batas na ang goal, BURAHIN ang P200 wage gap sa bawat rehiyon! Simple lang: Kung magkano ang minimum sa NCR, dapat ‘yun din ang basehan kahit nasaang lupalop ka man ng ‘Pinas!
Tigil-tigilan na ang eksena na mas mahal ang bigas, gasolina at kuryente sa Maynila. Hellur?! Anong klaseng kuwento ‘yan? Minsan mas mahal pa nga ang bilihin sa probinsya.
This is not just about suweldo. This is justice. Fairness. True love para sa mga manggagawang matagal nang sawi sa sistemang ito!
At sa employers diyan na baka nanlilisik na ang mata, kalma lang. Hindi naman ito biglaang pasabog na, “Boom, dagdag agad!” — may transition period tayo para hindi kayo mawindang.
Ang importante: tapos na ang eksena ng mga api! Tapos na ang panahong ang taga-probinsya ang laging nagtitiyaga habang ang iba naka-Starbucks na parang wala lang.
Isang bansa. Isang sahod. Walang lamangan. Walang tinatapakan. Walang napag-iiwanan.
At para sa masa: Dasurv na dasurv niyo ang National Minimum Wage na ’to! Push natin ‘yan!