top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tamang araw sa pagsasagawa ng sabong o tupada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 2, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,  


Napansin ko na tuwing araw ng Linggo ay nagsisilabasan ang mga mananabong sa aming barangay. Tuwing Linggo lang ba pinahihintulutan ng batas ang pagsasabong? O nagkataon lang na Linggo sila nagsasagawa ng sabong sa aming lugar? — Jake



Dear Jake, 


Ang sabong, tupada, derby o pintakasi ay isang sikat at tradisyunal na laro o kaaliwan sa ating bansa. Sa kasamaang palad, nagiging bisyo ito ng ilan at hindi na nagiging maganda ang epekto nito sa kanila, at pati na rin sa kanilang pamilya. Mayroon ding mga nalulubog sa utang dahil sa sugal na ikinakabit sa sabong kaya’t ang pagsasagawa nito ay dapat na mahigpit na sang-ayon sa Presidential Decree (P.D.) No. 449 o ang Cockfighting Law of 1974. Sa Paragraph D, Section 5 ng nasabing batas, nakasaad na: 


“d. Holding of Cockfights.—Except as provided in this Decree, cockfighting shall be allowed only in licensed cockpits during Sundays and legal holidays and during local fiestas for not more than three days, it may also be held during provincial, city or municipal agricultural, commercial or industrial fair, carnival or exposition for a similar period of three days upon resolution of the province, city or municipality where such fair, carnival or exposition is to be held, subject to the approval of the Chief of Constabulary or his authorized representative: Provided that, no cockfighting on the occasion of such a fair, carnival or exposition shall be allowed with the month of a local fiesta or for more than two occasions a year in the same city or municipality: Provided, further, That no cockfighting shall be held on December 30 (Rizal Day), June 12 (Philippine Independence Day) November 30 (National Heroes Day), Holy Thursday, Good Friday, Election or Referendum Day and during Registration Days for such election or referendum.”


Maliwanag sa nabanggit, sa pangkalahatan, ang pagsasagawa ng sabong o tupada ay maaari lamang gawin tuwing Linggo at mga pista opisyal na hindi lalampas ng tatlong araw. Maaari rin itong isagawa sa ibang mga araw kung ito ay itatakda ng mga sangguniang panlalawigan, lungsod o bayan kung mayroong tanghalan o karnabal. Ito ang maaaring dahilan kung bakit tuwing Linggo mo lamang nakikita ang mga kabarangay mo na mananabong.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page