Takot ma-bash… JAK, NAG-O-ONLINE SELLING, COMMENTS BAWAL
ni Nitz Miralles @Bida | November 14, 2023

Nag-o-online selling na pala si Jak Roberto ng kanyang JC Essentials business venture na isang men’s skin care products. Via TikTok ang online selling ni Jak ng kanyang produkto na tiyak papatok sa kalalakihan.
Nakalulungkot lang na hindi makabuwelo si Jak sa pagpo-promote ng online selling niya dahil limited ang puwedeng mag-comment sa comment box ng kanyang Instagram.
Hindi nga yata puwedeng mag-comment dahil wala pa kaming nabasang comments kahit mula sa mga friends niya at kahit mula sa girlfriend niyang si Barbie Forteza.
Matagal nang ganito ang setup ng IG ni Jak, kundi limited ang puwedeng mag-comment, naka-off ang comment box dahil may mga susugod na bashers at haters.
Pero, dapat masanay na ang isa sa cast ng The Missing Husband lalo na at may pinapatakbo siyang negosyo.





nhà cái Z8bet – Trang chủ chính thức nhà cái uy tín hàng đầu Châu Á. Truy cập link mới nhất, đăng nhập nhanh, tải app và nhận ưu đãi hấp dẫn.