Tagal ng preventive suspension
- BULGAR

- Jan 7, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 7, 2021
Dear Chief Acosta,
Nakatanggap ang aking asawa ng memorandum mula sa kanilang kumpanya na nagpapabatid sa kanya na iniimbestigahan siya dahil sa pagnanakaw diumano ng mga pag-aari ng kumpanya kaya’t isasailalim siya sa preventive suspension ng 25 araw. Maaari bang suspendihin ng kumpanya ang aking asawa ng gaun katagal? – Trisha
Dear Trisha,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 9, Rule XXIII, Book V, ng Implementing Rules of the Labor Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:
“Section 9. Period of Suspension. – No preventive suspension shall last longer than thirty (30) days. The employer shall thereafter reinstate the worker in his former or in a substantially equivalent position or the employer may extend the period of suspension provided that during the period of extension, he pays the wages and other benefits due to the worker. In such case, the worker shall not be bound to reimburse the amount paid to him during the extension if the employer decides, after completion of the hearing to dismiss the worker.” (Binigyang-diin)Batay sa nabanggit na probisyon ng batas, walang preventive suspension na tatagal ng mas mahaba sa tatlumpung (30) araw. Gayunman, maaaring pahabain ng employer ang tagal ng nasabing suspensiyon sa kondisyon na babayaran niya ang sahod at iba pang mga benepisyong nararapat sa empleyado para sa mga karagdagang araw ng kanyang suspensiyon.
Samakatwid, ang inyong asawa ay maaaring isailalim ng kumpanya sa preventive suspension ng dalawampu’t limang (25) araw dahil ito ay maaaring tumagal ng hindi hihigit sa tatlumpung (30) araw, maliban kung pahabain ng kumpanya ang tagal ng nasabing suspensiyon alinsunod sa nabanggit na batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments