Tablado sa korte… CLAUDINE, 'DI MAPILIT SI RAYMART NA MAGSUSTENTO NG P100 K SA MGA ANAK
- BULGAR
- Dec 29, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 29, 2021

Samantala, may special participation din sa Mamasapano movie si Claudine Barretto na medyo payat pa nang kunan ang kanyang eksena.
As usual, walang kupas ang acting ni Claudine kahit ang ikli lang ng role niya dahil special participation nga lang.
Sabi ni Atty. Ferdie, 'di naman makakaapekto ang pagtakbong konsehal ni Claudine sa Subic sa kanilang movie para ma-delay ang pagpapalabas nito bago ang election time since 'di naman nga bida ang aktres.
And speaking of Claudine, nakumusta na rin namin kay Atty. Topacio ang status ng hinihinging sustento ng aktres sa kanyang estranged husband at ama ng kanyang mga anak na si Raymart Santiago.
Kung matatandaan, nag-file pa ng case si Claudine para magpasaklolo sa korte na piliting magsustento si Raymart ng P100K monthly para sa dalawang anak nila.
Ayon kay Atty. Ferdie, sinabihan daw si Claudine ng korte na as long as nagsusustento si Raymart sa mga bata, kahit hindi singlaki ng P100K ay walang problema 'yun.
Kaya pinayuhan din daw ni Atty. Ferdie ang kanyang good friend na si Clau na 'wag na munang mag-focus sa sustento at sa halip ay mas bigyan ng prayoridad ang career nito.





Comments