Taas-singil sa kuryente sa pagsadsad ng piso

ni Mervin Reyes @News | October 30, 2026

Photo: File
Posibleng tumaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) dahil sa patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar, na maaaring magpataas sa generation costs.
Ayon kay Meralco Senior Vice President at Regulatory Management Head Jose Ronald Valles, mahigit 50% ng power sources ng kumpanya ang may exposure sa foreign exchange, kabilang ang mga gas power supplier.
Gayunman, sinabi niyang naghahanap ang Meralco ng paraan upang mapamahalaan at ma-offset ang posibleng pagtaas ng gastos.
Nilinaw naman ni Meralco Chairman at CEO Manuel Pangilinan na hindi maaapektuhan ng mahinang piso ang distribution charge ng kumpanya dahil wala itong foreign debt.
Binigyang-diin din ni Pangilinan ang pangangailangang palakasin ang mga lokal na pinagkukunan ng enerhiya, kabilang ang renewable energy gaya ng solar, gayundin ang oil at gas exploration sa bansa.





Comments