top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 6, 2025



File Photo



Nasa 90 electric cooperatives ang nakapagbibigay ng mas murang singil sa kuryente kumpara umano sa Manila Electric Company (Meralco), ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano Almeda. 


Sa panayam ng isang lokal na himpilan ng radyo kay Almeda, sinabi nito na batay sa kanilang nakalap na datos, sa kabuuang 121 electric cooperatives sa bansa ay 90 rito o nasa 74% ang nakapagbibigay ng mas murang singil sa kuryente kaysa sa power rates ng Meralco. 


Batay sa comparative analysis data na nakuha ng NEA, lumilitaw na mula Enero 2024 hanggang Hunyo 2025 ay napanatili ng mga electric cooperatives ang mababang presyo ng kanilang kuryente, nasa P1.00 hanggang P4.00 kada kwh. Ang mga electric cooperatives ang nagsu-supply ng kuryente sa BARMM, CARAGA, Cordillera Autonomous Region (CAR), Region 3, 5, 7, 9, 11 at 12.  


Sa kasalukuyan, nasa P12.6435 per kWh ang singil ng Meralco, na pinakamataas umano sa buong Southeast Asia. 


Noong 2023, una nang inireklamo ni Philreca Rep. Presley de Jesus, kung bakit hindi kayang pababain ng Meralco ang singil sa kuryente na kayang gawin ng mga electric cooperatives. 


“If we compare to Meralco, these cooperatives are so small. Meralco holds essentially a mega franchise with the largest captive market,” nauna na nitong pahayag. 


Aniya, sa lawak ng customer base ng Meralco at may modernong pasilidad ay dapat pababa ang singil nito.

 
 

by Info @Brand Zone | January 26, 2024






Nanguna ang Meralco, isa sa mga kumpanya sa ilalim ng pamumuno ni Pangilinan, sa ginanap na ika-20 Philippine Quill Awards pagkatapos nito mag-uwi ng 28 na awards para sa mga programa ng kumpanya na nakatuon sa pampublikong serbisyo, sustainability, at innovation sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon.


"Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Meralco na lalo pang paghusayan ang aming mga programang pampublikong komunikasyon para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa publiko," ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.


Tanging ang Meralco pa lamang ang nakapagkamit ng karangalan na maitanghal na “Company of the Year” sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Sa katatapos lamang na pagpaparangal, itinanghal ang Meralco na 1st Runner Up.


Ang Philippine Quill Awards ay pinapangunahan ng International Association of Business Communicators Philippines at itinuturing isa sa pinakaminimithing parangal ng mga kumpanya sa larangan ng komunikasyon. Kinikilala nito ang husay at dedikasyon ng mga kumpanya sa pagpapatupad ng mga programang nagpapakita ng mahusay at epektibong komunikasyon sa iba’t-ibang industriya.


 
 

ni Lolet Abania | June 10, 2022


ree

Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa tipikal na tirahan ay taas ng ng 39.82 centavos kung saan aabot sa P10.4612 kada kilowatt-hour (/kWh) mula sa P10.0630/kWh noong Mayo.


Narito ang katumbas na dagdag sa singil ng kuryente na depende sa kinukonsumo:


Konsumo Dagdag

200kwh P80

300kwh P119

400kwh P159

500kwh P199


Paliwanag ng Meralco, bunsod anila ito ng pagtaas ng presyo ng kuryente mula sa kanilang mga suppliers.


“The generation charge increased by P0.33 per kwh, taxes eventually followed suit which normally follows any adjustments in the generation costs,” sabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga. Samantala nitong Mayo, nagkaroon naman ng bawas-presyo sa singil sa kuryente ang Meralco.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page