Sama ng panahon, naispatan sa loob ng PAR

ni Mai Ancheta @News | October 30, 2026

Photo: PAGASA-DOST
Isang low pressure area (LPA) o namumuong sama ng panahon ang naispatan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa monitoring ng PAGASA, namataan ang LPA sa bahaging silangan ng Western Visayas.
Samantala, namataan din ng PAGASA ang isang bagyo na may international name na "In-Fa" sa layong 3,355 kilometro silangan ng Central Luzon, sa labas pa ng PAR at mabilis na kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Wala pa namang pahayag ang PAGASA kung magiging maulan ba ang weekend at sa panahon mismo ng Undas.





Comments