top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

PBBM: Piso sadsad vs. dolyar, don't panic... Imee: Dapat party-party?

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 30, 2026



Imee Marcos - FB

Photo: Imee Marcos - FB



Sinagot ni Senador Imee Marcos ang panawagan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na huwag mataranta sa gitna ng mga hamong pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa.


“Ano dapat? Party-party?” pabirong tanong ni Imee bilang reaksiyon sa pahayag ng Pangulo na huwag mag-panic ang mga Pilipino sa gitna ng paghina ng piso at iba pang suliraning pang-ekonomiya.


Una rito, hinimok ng Pangulo ang publiko na huwag mag-alala nang labis sa kabila ng patuloy na paghina ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, at kawalang-katiyakan sa ekonomiya na dulot ng sigalot sa Middle East.


Gayunman, tila hindi kumbinsido si Imee sa pagpapakalma ng Pangulo, habang patuloy na nararamdaman ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng mga gastusin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page