Swak kay Bea, Gerald… SIGAW NI JANUS: DOMINIC, MAY CLASS, 'DI MAYABANG AT MATINONG TAO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 1, 2021

Hindi pa pala lubos na kilala ni Janus del Prado ang bagong boyfriend ng kanyang BFF na si Bea Alonzo dahil hindi pa niya ito nakaka-bonding nang matagal.
Napapanood lang daw ni Janus ang mga vlogs nina Bea at Dominic Roque sa YouTube at aminado siyang kinikilig sa dalawa dahil ang lakas daw ng chemistry at bagay na bagay ang mga ito.
Sabi pa ni Janus sa interview sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito sa YouTube, masaya siya para kay Bea dahil nakikita niyang masaya ito.
Naikuwento rin niyang dumaan pala sa 'audition' si Dominic bago sinagot ng aktres. Meaning, dahil na-trauma si Bea sa last boyfriend nitong si Gerald Anderson, nagkaroon na ito ng trust issues kaya matinding 'audition' daw muna ang pinagdaanan ni Dominic Roque bago napasagot si Bea.
Ang first impression naman ni Janus kay Dominic, "Mature for his age, may class siya, may class siyang makitungo. Halatang maganda ang pagpapalaki sa kanya, hindi mayabang. Matino siyang tao at ang importante, mahal niya ang kaibigan ko."
O, 'di ba, parang may kaibigan na, may tatay pa si Bea kay Janus del Prado! Nyahaha!





Comments