top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Survey na guminhawa raw ang buhay ng Pinoy, kabaligtaran

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 4, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SASABLAY KAYA ANG MGA TESTIGO NG PROSEKUSYON KAYA HINDI NA NILA IPAPASALANG ANG IKATLONG ARTICLE OF IMPEACHMENT (BRIBERY) LABAN KAY VP SARA? — Para raw mabilis na matapos ang impeachment trial, ay pinagpaplanuhan ng House Prosecution panel na bitawan at huwag nang isalang ang ikatlong article of impeachment na may kaugnayan sa bribery o panunuhol ni Vice Pres. Sara Duterte sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng Department of Education (DepEd) noong siya (VP Sara) pa ang head ng departamentong ito.


Para mapabilis ang impeachment trial, o sasablay ang mga testigo ng prosekusyon, kaya ipapabasura na nila ang ikatlong article of impeachment? Boom!


XXX


HINIHINGING DAGDAG-PONDO NG DPWH, DEPED AT DOH DAPAT BANTAYAN NG TAUMBAYAN BAKA KASI MAPUNTA LANG ITO SA BULSA NG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN — Sa kabila ng may inilaan na budget ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa year 2027, ay humihingi pa ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) ng mga karagdagang pondo.


Kung sakaling aaprubahan ng Kongreso ang hinihinging dagdag-pondo ng DPWH, DepEd at DOH, dapat ay bantayan ito ng mamamayan kasi baka 'yung hinihinging karagdagang budget ay sa bulsa lang ng mga buwaya sa tatlong departamento lamang ito mapunta, period!


XXX


HINDI KAPANI-PANIWALANG SURVEY NG SWS — Sa latest survey ng SWS ay 33% ng mga pamilyang Pinoy raw ang nagsabi na mula June 2026 hanggang sa kasalukuyan ay guminhawa raw ang kanilang pamumuhay.


Kaya maraming Pinoy na ang nawawalan ng tiwala sa mga survey firms dahil sa ganyang hindi kapani-paniwalang survey.


Sa totoo lang kasi ay ang daming naghihirap na Pinoy sa ilalim ng Marcos administration, tapos maglalabas ng ganyang survey ang SWS na 33% daw ng mga pamilyang Pinoy ay guminhawa na ang pamumuhay, tsk!


XXX


SANA TOTOONG TATANGGALIN NA ANG VAT SA SYSTEM LOSS SA KURYENTE — Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tatanggalin na raw ang Value-Added Tax (VAT) sa system loss sa singil sa kuryente.


Sana totoo 'yan, at hindi pabida lang ng Marcos admin sa mamamayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page