Lupit ni Gordon, nakakulong na nga sa ICC-Jail si FPRRD, gusto pa niyang pakasuhan ng plunder

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 19, 2026

LAGOT ANG MGA TESTIGO SA INIATRAS NA ARTICLE 1 AT ARTICLE 4 KASI IPINAHAMAK SILA NG PROSECUTION DAHIL PUWEDE PALA SILANG KASUHAN NG PERJURY NI VP SARA — Sa interview ng DZBB kay law professor Adonis Gabriel ay kung gugustuhin daw ni Vice President Sara Duterte ay puwede nitong kasuhan ng perjury ang mga testigo sa dalawang Articles of Impeachment (Article 1, misuse of confidential funds at Article 4, grave threat) na iniatras ng prosecution panel sa Senate Impeachment Court.
Lumalabas daw kasi na sinira ng mga testigong ito ang pagkatao ni VP Sara dahil hindi naman pala gagamitin ang kanilang mga testimonya laban sa Bise Presidente nang iatras sa impeachment court ang Article 1 at Article 4.
Hala! Kapag nagsampa pala ng kaso si VP Sara sa mga tumestigong ito ay lumalabas na ipinahamak lang sila (mga witnesses) ng House prosecution panel, boom!
XXX
GORDON PINUTAKTI NG BATIKOS NG MGA DDS DAHIL SA KALUPITAN NA KAHIT NAKAKULONG NA SI FPRRD SA ICC JAIL GUSTO PA NIYA ITONG MAKASUHAN NG PLUNDER NG OMBUDSMAN — Pinuputakti ngayon ng pambabatikos ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) sa social media si former Sen. Richard Gordon kaugnay sa panawagan nito sa Office of the Ombudsman na isama raw si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) sa kasong plunder na may kinalaman sa P11 billion Pharmally scam.
May punto ang mga DDS na i-bash si Gordon kasi lumalabas na sobrang lupit naman nito dahil nakakulong na sa International Criminal Court (ICC) jail si FPRRD sa kasong crimes against humanity, tapos gusto pa ng dating senador na pakasuhan ng plunder sa Pilipinas ang dating presidente, tsk!
XXX
SA GALIT NG MGA DDS KAY GORDON, KAPAG KUMANDIDATO ULI ITO SA PAGKASENADOR, TIYAK TALO ITO — Kung sa 2028 election ay mag-aambisyon pa uli si former Sen. Gordon na muling kumandidato sa pagka-senador ay huwag na niyang ituloy kasi mag-aaksaya lang siya ng oras at pagod sa pangangampanya.
Sa galit kasi sa kanya ng mga DDS ay siguradong ibabasura ng mga ito ang kanyang kandidatura, na talo lang aabutin niya sa 2028 senatorial election, boom!
XXX
MAY 'WAR ON ILLEGAL GAMBLING' SI PNP-REGION 5 DIRECTOR GEN. SILVIO, PERO STL-BOOKIES NG 'DILAWAN' POLITICIAN AT LOYALISTANG BUSINESSMAN SA ALBAY MAS LUMAGANAP PA — May idineklarang "war on illegal gambling" si PNP-Region 5 Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, pero sa Albay, sa halip na tumigil ang raket ng isang "dilawan" politician at loyalistang businessman, ay lalo pa itong (STL-bookies) lumaganap sa lahat ng mga barangay sa lalawigan, tsk!





Comments