top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Misis ni Sen. Robin, pang-fun run lang daw… MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 19, 2026



TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Naba-bash ngayon si Mariel Rodriguez dahil sa balitang tatakbo raw siyang senador sa susunod na eleksiyon.


Well, kahit wala pang kumpirmasyon ang misis ni Sen. Robin Padilla, matindi na ang reaksiyon ng mga netizens.


May isang basher ang nag-advise kay Mariel na tumakbo na lang sa fun run. May isa naman na nag-comment na huwag na raw nitong ambisyunin na magkaroon ng posisyon sa Senado dahil mas bagay daw sa kanya ang maging kapitana ng barangay.


May nagsasabi namang kapos pa si Mariel sa kaalaman at hindi qualified sa posisyon. Ni hindi nga raw niya nasubukang magtrabaho sa isang maliit na sangay ng gobyerno.


Tsismis pa lang naman ang balitang balak ni Mariel na tumakbong senador sa 2028 elections. Karapatan niyang gawin anuman ang plano niya for her future.





Ayaw ding bumiyahe nang solo…

JOEY, TAKOT SA KULOB AT MATATAAS NA LUGAR



SA edad niyang 80, marami nang pagsubok sa buhay ang pinagdaanan ng comedian-TV host na si Joey de Leon. Iba’t ibang trabaho na ang kanyang pinasukan bago siya nag-showbiz.


Mas lumutang ang kanyang talento nang maging bahagi siya ng TVJ (Tito, Vic & Joey) trio na nagsilbing poste ng noontime show na Eat… Bulaga! (EB!). Dito siya sumikat nang husto at lalong tumibay ang pagkakaibigan nilang tatlo dahil nag-click sila sa mga viewers.


Pero kahit gaano katapang ang imahe ni Joey sa publiko, aminado siyang may mga kinatatakutan din. Takot siyang bumiyahe nang nag-iisa kaya lagi siyang may kasama kapag nag-a-abroad.


Malaki rin ang takot niya sa mga kulob na lugar at may fear of heights din siya.

Sa ngayon, ang nakapagbibigay kay Joey ng kaligayahan ay ang makasama ang kanyang pamilya at matatapat na kaibigan tulad nina Tito at Vic Sotto. Mahigit apat na dekada na silang magkakasama sa EB!





Kahit nilalait ng iba, laban lang!

ATASHA, GINAWA ANG LAHAT PARA MAGING EPEKTIB KUMANTA AT SUMAYAW



NANOOD ng Bongga Ka, 'Day!: The Annie Batungbakal Musical noong Sabado ang main cast ng Taskforce Firewall sa pangunguna nina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, atbp..


Dumayo rin sa Resorts World ang mga diehard Noranians upang panoorin ang musical bilang pag-alala sa kanilang yumaong idolo na si Nora Aunor. 


Hango ang kuwento nito sa pelikulang Annie Batungbakal.

Maganda ang set ng musical at magagaling ang lahat ng nagsiganap.


Para sa amin, pasado si Atasha Muhlach na gumanap bilang Annie Batungbakal. Kahit may mga nagsasabing manipis ang kanyang boses at nahihirapan siyang kumanta at sumayaw, marami pa rin ang humanga sa kanya.


Para sa isang baguhan, hindi biro ang effort na ibinuhos ni Atasha sa kanyang role. Dire-diretso ang kanyang pag-arte, pagkanta at pagsasayaw, na hindi madaling gawin.


Pinatunayan ni Atasha na may dugong artista siya. Super-proud sa kanya ang kanyang parents na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page