top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Super-bait at marunong daw makisama, Gerald... MADIR NI BEA, BOTONG-BOTO KAY DOMINIC

BULGAR
Aug 16, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 16, 2021



Matagal na palang magkaibigan sina Bea Alonzo at Dominic Roque bago napunta sa romantic relationship kaya naman nabanggit dati ng Mama Mary Anne Ranollo ng aktres sa unang guesting nito sa YouTube channel ng anak na boto siya sa binata dahil super-bait at marunong makisama.


At ito ang ipinagmamalaki ni Bea na ugali ni Dom, na lahat ng ipinakita nito ay totoo at sincere, hindi nagpakitang-gilas lang.


Aniya, “He’s very caring. He really takes care of me. Hindi nga ako sanay, eh. Sobrang inaalagaan niya ako because it’s really his love language, service.


“So, kapag kumakain kami, talagang pinagsisilbihan ka and then the things na hindi ko iniisip na kailangan ko, biglang o-order-in niya online para lang mas mapagaan ang buhay ko, all those things.


“Kasi matagal na kaming magkaibigan before nag-turn into something romantic. As in years, years pa, magkaibigan na kami and alam ko na talagang mabuting tao siya.


“I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He’s just really honest, which I appreciate very much.


“He’s also very loving to his family. Makikita mo kasi, ‘di ba, sabi nga nila, du’n mo makikita ang pagkatao ng isang lalaki, the way he treats his mom, dad, his siblings, and even his relatives. He’s very loving and alam ko na that’s the authentic him.”


Hati ang reaksiyon ng mga netizens sa pag-iibigan nina Bea at Dominic, pero siyempre, ang mas importante ngayon sa dalaga ay ang mga supporters nila sa simula pa lang na ma-link sila at ang iba’y kinikilig pa lalo na sa mga larawang kuha nila sa Amerika noong nagbakasyon sila.

“It wasn’t planned at all. Ewan ko, parang I felt it was the right moment, or maybe because I was feeling it.


“Sa totoo lang, nu’ng birthday niya (Dom), unang-unang post na lumabas kasi, nasa Instagram Stories niya.


“Kasi nag-i-Story siya, obviously hindi niya ako ipinapakita kasi nga hindi naman kami ganu’n. I just grabbed his phone and I started recording and posted it.


“So, may mga ganu’ng moments na ‘I-share ko kaya ‘to? This is such a precious moment.’ Then, parang nagtuluy-tuloy na lang from there.


“I’m just happy na maraming kinikilig. I mean, anything that would make another person’s life lighter, why not, ‘di ba?


“Bakit mo naman hindi ibibigay? I’m just happy na maganda ‘yung pagtanggap nila,” ang pahayag ng aktres sa GMA news.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page