Sumakay pa raw sa sasakyan… MULTO SA BAGUIO, SUMAMA KAY JAMESON PAUWI NG BULACAN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 15, 2021

Scary naman ang kuwento ng producer ng Obra Cinema na si Ms. Joy Sison sa presscon ng MMFF movie na Huwag Kang Lalabas last Sunday tungkol sa pagsama ng isang babaeng multo habang pababa na sila ng Manila mula sa Baguio ng aktor na si Jameson Blake.
Sa Baguio kinunan ang Hotel episode nina Kim Chiu at Jameson Blake sa trilogy horror film na Huwag Kang Lalabas.
Sa Baguio rin kinunan ang isa pang episode ng movie na Kumbento na bida naman sina Beauty Gonzalez at Ms. Elizabeth Oropesa kasama si Matet de Leon.
Habang sa Bulacan nag-location shooting ang Bahay episode nina Aiko Melendez, Joaquin Domagoso, Bembol Roco at James Blanco.
Kuwento ni Ms. Joy, mula sa shooting sa Baguio, magkasama sila ni Jameson pauwi ng Maynila para ihatid niya muna ito sa Bulacan bago siya tutuloy ng Pampanga.
Habang nasa sasakyan, nag-My Day daw si Ms. Joy sa Instagram niya. Isang friend niyang espiritista ang nakakita ng ipinost niya at nag-comment itong may babaeng multo na sumama sa kanila ni Jameson sa loob ng car.
Hala, 'kakilabot, devah?!
Pero buti naman, ghost lang ang sumama at hindi COVID ang naiuwi nila. Char!
Sayang, hindi na nabanggit ni Ms. Joy kung sumama rin kaya sa bahay ni Jameson ang naturang babaeng multo. Baka naman naguwapuhan ito kay Jameson kaya sumama pauwi. Hahaha!!!
Anyway, palabas na sa Dec. 25 sa mga sinehan nationwide ang Huwag Kang Lalabas mula sadireksiyon ni Adolf Alix, Jr..
Pero para makapanood ng sine… kailangan n'yo pong lumabas!
'Yun, oh!





Comments