Strategy ng ‘Pinas, hangga’t wala pang WW3, nagpaparami ng armas at nagpapalakas ng puwersa ng militar
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | June 28, 2025

Humupa na ang gulo sa Middle East.
Iyan ang akala natin.
-----$$$---
PAREHONG umaangkin ng tagumpay ang Israel at Iran.
Sa aktuwal, pareho silang bigo.
Bakit? Parehong nawasak ang dalawang bansa.
----$$$--
MAGING ang United States ay biktima.
Nasukat ng daigdig — kung hanggang saan lang ang puwersa ng pinaniniwalaang pinakamakapangyarihan bansa.
----$$$--
IMBES na mabago ang Rehimen sa Tehran, tipong ang lider ng Israel at US ang siyang masisibak sa puwesto.
Nasa demokratikong gobyerno ang Israel at US, pero ang Iran ay mananatiling nasa ilalim ng kanilang supreme leader.
-----$$$---
NABIYAYAAN sa Israel-Iran war ang China at Russia.
Alam na nila kung paano dedepensa at didiplomasya kontra United States.
-----$$$--
ISANG malaking aral ang iniwan ng Israel at Iran.
Nasukat dito ang kapabilidad ng ballistic missile, missile defense system, drone at ng super-bunker-buster bomb ng US -- at maging ang cyber hacking.
----$$$--
SAKALING magkaroon ng totohanang giyera, walang duda — susubukan nang gamitin ang nuclear bomb.
Iyan na mismo ang hinaharap ng daigdig.
----$$$--
BAGAMAN nawasak ang ilang nuclear sites ng Iran, isang aral ito kung paano sila makakadepensa sa susunod na digmaan.
Alam na rin nilang sangkatutak ang SPY at intel ng US sa loob at labas ng kanilang pamahalaan.
-----$$$--
TALIWAS sa Russia at US, nananatiling “birhen” at hindi nagagalaw ang military arsenals ng China.
Pero, ang nakakatakot — gagamitin nila ‘yan kontra sa mga nakapaligid na bansa sa Mainland China — kasama ang Pilipinas.
----$$$--
Simple lang ang estratehiya ng China.
Hangga’t wala pang World War 3, ipinag-iibayo na nila ang pagpaparami ng armas at pagpapalakas ng puwersang military.
Iyan din mismo ang postura ng Pilipinas — ‘yun nga lang, ‘kulangot lang ito kumpara sa etsas’ ng Tsekwa.
He-he-he.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments