Spoiled talaga kay Vice… ION, TODO-DISPLEY SA P3.3 MILYONG DUCATI BIKE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 09, 2021

Inulan ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizens ang ipinost ni Ion Perez sa kanyang Instagram account na litrato ng kanyang bagong Ducati motorbike na diumano'y nagkakahalaga ng P3.3 milyon lang naman!
Bagama't may sarili na rin namang career si Ion at nakagawa na ng dalawang pelikula, pinagtaasan pa rin siya ng kilay ng ilang netizens at kinukuwestiyon kung paano siya nakabili ng ganu'n kamahal na motor.
Siyempre, automatic nang iniisip ng ilang netizens na regalo 'yun sa kanya ng 'rich mama' niyang si Vice Ganda.
Sey pa ng ilan, sobrang spoiled talaga si Ion kay Vice dahil nu'ng third quarter ng 2020, matatandaang binigyan din ng mamahaling bisikleta ng Unkabogable Star ang kanyang dyowa na nagkakahalaga ng mahigit P500 K!
Samantala, to the rescue naman ang mga fans ni Meme Vice kay Ion at sinabihang inggiterang frog lang ang mga nagko-comment nang nega sa post ng nakilalang Kuya Escort ng It's Showtime.
Oo nga naman, paki ba natin, basta happy sila, 'no!





Comments