top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Spoiled, parang baby kung ituring… ASKAL NI SHARON, MAY SARILING KUWARTO SA CONDO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 23, 2021





Inggit much ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa bago niyang ampon, si Pawi, isang askal na nakita niya sa taping nila noon ni Marco Gumabao ng kanilang Revirginized movie.


Super-payat at mukhang sakitin noon si Pawi nang makita ni Sharon, kaya dahil sa awa, ni-rehabilitate niya, ginastusan, pinaalagaan at ngayon, charaaaan… ayan, naiuwi na sa sosyal na condo ng mga Pangilinan.


'Kaaliw at entertaining 'yung video na in-upload ni Mega sa kanyang Instagram account kung saan makikitang may pa-house tour siya kay Pawi para maging familiar ito sa bagong bahay.


Dinala pa niya ang doggy sa terrace para makita ang view ng mga buildings na nakapalibot sa kanila.


At pagkatapos, sinabihan ni Sharon na bumalik na ito sa kuwarto para makilala ang iba pang cute na doggies niya.


Taraaay, may sariling room sa condo ang mga fur babies ni Mega!!!


Nakakatawa nga 'yung isang comment sa post ni Sharon na ang sabi, "Sana, naging aso na lang din ako, nakakapagod maging tao."


Wahhh!


Wait na lang natin na magsuot din ng pink at green ang mga doggies ni Sharon dahil sa support niya sa tambalang VP Leni Robredo-Kiko Pangilinan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page