Speaker Bojie at Cong. Sandro, na-bash dahil sa peke raw na “anti-dynasty”
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 20, 2026

ANTI-POLITICAL DYNASTY VERSION NINA SPEAKER BOJIE AT CONG. SANDRO, PEKE RAW – Kinondena ng iba't ibang business organizations, religious groups, civil society groups at cause-oriented groups ang ipinasa ng Kamara na bersyon ng anti-political dynasty bill nina Speaker Bojie Dy at House Majority Leader Rep. Sandro Marcos.
Mapuputakte talaga ng batikos sina Speaker Bojie at Cong. Sandro sa isyung ito dahil lumalabas na tila “anti-political dynasty” lamang sa pangalan ang kanilang bersyon.
Ipinagbabawal man nito na sabay na maging senador ang magkapatid o magulang at anak, pinapayagan naman ang magkakapamilya na sabay-sabay kumandidato sa mga posisyon bilang senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, mayor, bise mayor at konsehal. Kaya para sa mga kritiko, hindi ito anti-political dynasty kundi pro-political dynasty. Buset!
XXX
KUNG INAAKALA NINA SEN. CHIZ AT SEN. JOEL LUSOT NA SILA SA KASO KASI NASA GATCHALIAN BLOC NA SILA, NAGKAKAMALI SILA – Nanawagan ang mga progresibong grupo kay Ombudsman Boying Remulla na ituloy pa rin ang mga kasong plunder laban kina Sen. Chiz Escudero at Sen. Joel Villanueva kahit lumipat na ang dalawa sa Gatchalian bloc.
Kaya kung inaakala nina Sen. Escudero at Sen. Villanueva na lusot na sila sa mga kaso dahil nasa kampo na sila ng Gatchalian bloc, nagkakamali sila. May mga progresibong grupong patuloy na kakalampag sa Ombudsman upang ituloy ang mga kaso laban sa kanila. Boom!
XXX
DAPAT LUBAYAN NA NINA SEN. CAYETANO AT LACSON ANG BANGAYAN KASI HINDI SILA INIHALAL PARA MAGPATUTSADAHAN SA SENADO – Kahit si Sen. Sherwin Gatchalian na ang Senate President ay tuloy pa rin ang patutsadahan nina Sen. Alan Cayetano at Sen. Ping Lacson.
Dapat tigilan na nina Sen. Cayetano at Sen. Lacson ang bangayan na ito dahil hindi sila inihalal ng taumbayan para lamang magbangayan sa Senado. Period!
XXX
JAPAN, KINILALA ANG HUSAY SA PAGLILINGKOD NI GOV. DANIEL FERNANDO KAYA ASAHAN NANG DADAGSAIN NG JAPANESE INVESTORS ANG BULACAN – Kinilala ng Japan ang kahusayan sa paglilingkod ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kaya pinarangalan siya sa 15th World Class Excellence Japan Awards at ginawaran ng Excellence Award.
Dahil dito, inaasahang dadagsain ang Bulacan ng mga Japanese investors. Abangan!





Comments