Sorry na lang, Sharon… OGIE, SI VP LENI LANG ANG SUPORTADO, ‘DI SI KIKO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 04, 2022

Vocal si Ogie Diaz kung sino ang sinusuportahan niyang presidente para sa 2022 elections at ipinagdiinan niyang wala siyang bayad dito dahil gusto niyang tumulong para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.
“Support ako kay Leni (Robredo), ganu’n din naman kapag sinuportahan ko ang iba, iba-bash din ako, eh, di doon na ako sa taong pinaniniwalaan ko,” diretsong sabi nito.
Pero sa tanong namin kung kasama si Senator Kiko Pangilinan na ka-tandem ni VP Leni sa sinusuportahan niya, “Hindi for now muna, siyempre si Leni muna ang ipinu-push namin, kahit i-bash pa ako ng iba, wala ako pakels.
“Sabi ko nga, kahit sino pa ang maging presidente, hindi naman ako magugutom siguro, ‘no? Ang priority ko, ‘yung malasakit ko sa bansa, ‘yun naman ‘yun.
“Gusto kong magpasalamat kay Ma’am Leni, thank you for not being corrupt for three consecutive years, COA (Commission on Audit) approved,” paliwanag ni Ogie.





Comments