Sopla sa hamong sumali ang mga Pinoy sa giyera sa WPS… HIRIT NG NETIZENS: ROBIN, PURO DADA, DUWAG
- BULGAR
- Apr 28, 2021
- 2 min read
NAMAN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 28, 2021

Naba-bash na naman ngayon ng ilang netizens si Robin Padilla dahil sa isang video niya sa Facebook kung saan hinamon ng aktor na diehard supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kababayan natin, lalo na ang ilang pulitiko, na sumama sa kanya sa military saka-sakaling matuloy ang giyera sa China dahil sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Matapang na paghahamon ni Robin sa kanyang video sa FB, “Tutal, napakadaming matapang. Naririnig mo. Eto, may mga pulitiko, si Senator Kiko Pangilinan, ex-Justice (Antonio) Carpio, Jim Paredes, Senator (Risa) Hontiveros, si idol, si 10,000 Hours Senator (Ping) Lacson.
“May mga iba, artista pa at singers. Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin ‘yung militia nu’ng mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon, kasi atin ito. Ang kailangan natin, militia doon. Ang kailangan natin, tumambay din tayo doon.”
Dagdag pa niya, “Ngayon n’yo sabihin sa akin ‘yan, kaya n’yong magsakripisyo para sa teritoryo natin.”
At may pagka-sarkastiko pang hirit niya, “Talaga pong ‘pag nagsalita kayo, ako’y ninenerbiyos, eh. Sabi ko, katatapang nito, eh, doon na natin ilabas ang tapang natin.”
Isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines, si Colonel Michael Logico na director sa Joint and Combined Training Center sa AFPETDC ang kumasa sa hamon ni Robin at nag-comment sa kanyang video.
Payo ng opisyal kay Binoe, kung desidido talaga itong sumabak sa giyera, una, magpagupit muna ng buhok, pagkatapos ay mag-apply para sa Master in National Security Administration (MNSA) at gayundin sa Command and General Staff College (CGSC) kung saan siya ang magiging mentor ng aktor.
Sabi pa ni Col. Logico sa kanyang comment, “If you make it past step 3, you will have the minimum competency to become an RCDG (Regional Community Defense Group) Commander. That will put you in a better position to challenge.”
Mukha namang natauhan si Robin matapos marinig ang sinabi sa kanya ng opisyal kaya agad itong humingi ng sorry sa kanyang matapang na paghahamon sa naturang video.
“I apologize if in any way I offended you with my video. Sir, it’s too late for me to dream and become a highly trained officer like you. If destiny allows it, I will just see you there in the high seas, not as a foe but a civilian ally…” sagot ni Robin.
Inulan ng negatibong komento si Robin sa biglang pagtiklop niya sa pagkasa ng opisyal ng AFP at ilan sa mga mababasa sa socmed ay:
“Pak na pak! Anyare Binoe, nabahag ang buntot at hindi mo nagawang sumagot in Katipunero Tagalog?”
“Naghamon, tapos wala naman palang binatbat! Sus!”
“Anak ng... Ayan kasi. Feel mo, dami mo masyado alam. Lmao. May kumagat na military tuloy sa ‘yo, ikaw naman ay umatras.”
“Supalpal ang epal, lol. Tapang-tapangan kuno pero bahag buntot ‘pag callout sa poon nilang Digong at mga alipores niyang palpak.”
“Biglang kambiyo ka ngayon, hano. Parang mayabang lang kayo ng amo mo, panay ngawa, walang gawa!”
Awww! ‘Yun lang!




hoy robintot nasaan na ang sili mo?
ga SILI na nga lang, umurong pa! ano pa ang natira?