Smuggling sa Aduana, hindi na tsismis kundi “given fact” na sa publiko
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | April 13, 2026

Kakakmbal ng Republika ng Pilipinas ang graft and corruption.
Pinakasikat at talamak dito ang Bureau of Customs at hindi ‘yan kailanman naresolba.
----$$$--
Ngayon, hindi matapos-tapos ang ginagawang pagbibitiw ng mga matataas na opisyal ng Aduana sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno. Ano'ng meron?
Alam n'yo na dis!
----$$$--
Nagpahiwatig ang isang dating Customs executive na kabibitaw lamang, na hindi nila “masikmura” ang mga sitwasyon.
Sa taong ito, pangalawa siya sa nagkusang umalis sa puwesto pagkatapos ni dating Deputy Commissioner for Internal Administration Michael Cristobal Fermin.
-----$$$--
NAGBITIW si Fermin for “personal and security reasons.”
Marami ang nagtatanong kung anong “lihim” ang nagtulak sa bagong opisyal ng BOC para bumitiw siya sa puwesto?
-----$$$--
USAP-USAPAN sa Aduana na ang seryeng resignation ay bunsod sa talamak na ilegal smuggling na ‘di umano'y kinasasangkutan ng mismong mga opisyal sa loob ng ahensya.
Balita pa ba ‘yan? May debate ba r’yan?
Wala. Kumbaga sa geometric formula, “given.”
----$$$--
TEKA, nagdududa ang ilang nagmamasid sa pinakahuling pahayag ni Ombudsman Boying Remulla.
Kasi tila may maniobra na iaabsuwelto si ex-Speaker Martin Romualdez.
Eh, bakit?
----$$$--
MAY ulat na hindi kasama si Escudero sa inirekomenda ng ICI at DPWH na kasuhan pero nakapagtatakang “iba” ang ihip ng hangin mula sa Ombudsman.
Nais kasing palabasin na may sabwatan ang dating speaker at dating senate president.
----$$$--
PAANO mangyayari ang sabwatan kung si Escudero ang unang nagturo kay Romualdez at nagpatutsadahan sila nang todo-todo.
Ayon sa ilang source, si Escudero ang personal na nag-expose kay PBBM na may anomaly sa budget process na inihanda ng Kamara ng mga Representante.
----$$$--
BATAY naman sa “timeline,” ang rurok sa budget anomaly ay naganap noon pang 2023 at 2024—pero hindi si Escudero ang Senate president ng mga panahong iyon.
May nagsasabi naman na ang modus sa budget ay nagsimula din sa panahon ni dating Speaker Lord Allan Velasco—pero wala ring “papel” doon si Chiz.
----$$$---
INIHAYAG agad ni Remulla na kakasuhan ng plunder kapwa sina Romualdez at ex-Senate President Chiz Escudero.
Sinasabing mahina ang ebidensiya laban kay Escudero kaya’t walang kauuwian kundi ang maabsuwelto.
Siyempre, dahil ikakambal ang dating speaker, maaabsuwelto na rin sa pagtatapos ng kaso.
----$$$--
NAIS ng taumbayan na maparusahan ang utak ng katiwalian, at kung nahahalata na hindi maayos ang imbestigasyon—nadadamay ang buong administrasyon.
Kumbaga, nasisira ang mismong reputasyon ni PBBM dahil sa pagdududa ng publiko.
-----$$$--
KAAWA-AWA naman ang “Ading” ni Manay Imee.
Napaparusahan at nasisisi sa sitwasyong wala naman siya kinalaman.
Tsk!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments