top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Sisante na sa trabaho, kakaltasan pa ng benepisyo?

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 21, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Dati akong nagtrabaho bilang merchandiser. Natanggal ako sa trabaho dahil sa kadahilanang “gross and habitual neglect of duty.” Nang natanggal ako sa trabaho ay hiningi ko ang bayad sa holiday bonus ko para sa dalawang taon na nagtrabaho ako sa kanila. Ito ay nakasaad sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng kumpanya. Gayunpaman, sinabi ng human resource manager ko na dahil tinanggal ako ay mawawala ang lahat ng mga benepisyo ko tulad ng aking nasabing bonus. Sa pagkakaalam ko ay wala kahit saan sa patakaran ng kumpanya na nagsasaad na kung sakaling matanggal, ang mga benepisyo ng natanggal na empleyado ay mawawala. Maaari ko pa bang mabawi ang nasabing benepisyo mula sa kumpanya? — CK





Dear CK,


Kung ang iyong karapatang makatanggap ng holiday bonus ay mapatutunayan na batay sa Collective Bargaining Agreement (CBA) at iba pang patakaran hinggil dito, hindi ito maaaring awtomatikong bawiin dahil lamang sa pagkatanggal mo sa kumpanya. Sa kasong Manila Electric Company vs. Apolinar A. Argentera (G.R. No. 224729, February 08, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen), sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na:


"An employer cannot unilaterally declare the forfeiture of wages, benefits, and privileges that have accrued in favor of a dismissed employee. The employer must prove the basis for the forfeiture through its policies, employee contracts, or its collective bargaining agreement. Without such proof, there is no basis to forfeit accrued monetary benefits as of the date of termination. To do so would violate Article 100[139] of the Labor Code, since the benefits have already accrued to the employee.


Without an express provision on the forfeiture of benefits in a company policy or contractual stipulation under an individual or collective contract, the employee's rights, benefits, and privileges are not automatically forfeited upon dismissal. The employee's termination from employment is without prejudice to the "rights, benefits, and privileges [they] may have under the applicable individual or collective agreement with the employer or voluntary employer policy or practice."


Sa iyong sitwasyon, ang pagbibigay ng holiday bonus para sa mga taon na nagtrabaho ka ay batay sa CBA sa inyong kumpanya. Maliban kung may probisyon sa patakaran ng kumpanya o sa CBA na nagsasaad ng diskwalipikasyon sa sinumang taong matatanggal sa trabaho, dapat bayaran sa iyo ito ng kumpanya. Sa mga kaso para sa pagkuha ng mga benepisyo ng isang empleyado, ang employer ang may pananagutan na patunayan na ang mga benepisyo ng isang empleyado ay nabayaran na o kung hindi man nabayaran ay dapat may sapat na kadahilanan kung bakit hindi nila ito binayaran. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page